"Napaano yang mukha mo?" tanong ni Doel ng makita si Ian na may pasa sa sulok ng labi, wala naman sa loob na hinawakan ni Ian ang sulok ng labi sabay ngibit pero sumimangot ng maalala kung paano n'ya nakuha iyon. Kung puwede lang talagang manapak ng babaeng minamahal nabugbog na n'ya si Autumn kaso hindi n'ya kaya. Mas gusto n'ya itong bugbugin sa pag mamahal n'ya pero kahit iyon hindi n'ya magawa dahil mailap pa sa tigre si Autumn. "Nauntog lang sa lavatory sa banyo." pag sisinungaling ni Ian habang nag-ayos ng sales nila sa kaha. "walanghi*ya! Kaka upload pa lang million views agad grabe may itim na salamangka siguro itong si Tomas." ani Ivo habang naka tingin sa video uploaded ni Autumn na sumasayaw. Agad naman na lumapit si Blue para sumilip ganun din naman si Doel, hindi naman masag

