"Hindi ko alam kung masokista ka ba o gusto mong maging terorista?" tanong ni Doel habang nasa likod sila ng simbahan at pinapanood ang kasal ni Frank at Tracey. Marami din naman umattend ang ilang ay mga kaibigan at kamag anak ni Tracey. Maging ang mga kaibigan nila noon college ng nag-aaral pa sila. Umattend pa rin ang magulang n'ya bilang mga ninong at ninang nga mga ito sa kasal. "Alam mo tumahimik ka na lang, wala naman akong sinabi na sumama ka bakit ka pa sumama." irap ni Winter. "Dahil alam kung nangalngal ka nanaman ng iyak." "Ano naman akala mo sa akin mahinang nilalang." "Bakit hindi ba?" "Hindi no, tingnan mo nga kung naiyak ako hindi naman ahh.' ani Winter na nandilat pa ang mata na tumingin kay Doel." "Tumingin ka dun." bulong na turo ni Doel sa malaking cross na nasa

