"Kelan n'yo pa ginagawa ang bagay na yun?" galit na tanong ni Cleo ng makabalik si Doel after itong utusan na mag palit muna ng damit after nitong mapa-ihi sa pants sa takot kanina. Nagkatinginan naman si Doel at Winter na nag iintayan ng sagot. "Sagot!" hiyaw ni Skyler kasabay ng pag bayo sa mesa na parehas na ikinagulat ng lahat ng naroon. Naka posas ang ama sa kinauupuan nito na marahil ang ina ang nag lagay habang may isang katulong na may ice pack na hawak na naka alalay sa batok ng ama n'ya na pulang-pula ang mukha. "Matagal na po." "Bago lang po." sabay nilang sagot ni Doel pero mag kaiba ang sagot nila ni Doel na ikinangiwi ni Winter na sumagot ng bago pa lang. Habang si Doel na may gapak sa kokote umamin na matagal na kaya nasapok s'ya ng ina dahil sa sagot n'ya. "Sinong nag u

