Kuyom ang kamay na binayo ni Jace ang kama ng hospital bed kung saan s'ya nakahiga sabay napangiwi na nasapo ang p*******i na hanggang ngayon na kirot pa rin ng sobra. Natitiyak n'yang sinadya ng mag-ina na saktan s'ya ng sobra dahil nagawa n'yang makalusot sa kasong sinampa ng mga ito sa kanya. Nag panggap lang ang mga ito na hihingi ng pasensya pero natitiyak n'ya na alam na ng mga ito na s'ya talaga ang kalaban. Napilitan s'yang bumalik ng Pilipinas dahil nabalitaan n'ya na palihim daw na ibenebenta na ng Lagdameo ang right ng El Romantico sa anong dahilan hindi pa nila alam pero kailangan bago may bumili nun s'ya mauna dahil hindi puwedeng mapunta sa iba ang planta ng pagawaan ng alak ng El Romantico dahil kailangan n'ya ang planta para sa bubuksan nilang illegal na negosyo at magand

