Chapter 2
As I got out from the car, lots of flashes and medias welcomed my sight. I can also see other people lurking around and waiting for me to arrive here in the basement.
Some of the medias are asking me questions but like I always do, I pretended that I didn’t hear any of their questions. I am thankful that I have my team with me. Because if not for them, other people might force me to stop from walking just so I can answer their queries.
“Excuse me, excuse me,” pagpapasintabi ng personal assistant ko na si Emily dahil maraming mga reporter ang nagpupumilit na makalapit sa ‘kin.
Emily is a sweet girl. I am older than her. But despite of our age gap, we’re still getting along really well. Hindi naman siya mahirap pakisamahan dahil hindi siya mahilig makialam sa personal na buhay ko. What I tell her is enough for her. She doesn’t usually ask questions regarding my life because she knows that I hate nosy people.
Sa wakas ay nakarating na kami sa loob ng elevator. Pinindot na ni Emily kung anong floor number ang dapat naming puntahan. Anim kami na nasa loob ng elevator. Si Mami Oni na nakasuot ng coat na kulay neon ay nasa tabi ko. Nasa tabi naman ni Mami Oni ang make-up artist at hairstylist ko na si Ate Rhea. Nasa harapan naman namin ang tatlo pa naming kasama na sina Emily, Joshua, at Gerald. Si Joshua at Gerald naman ang maaasahan namin sa supply ng mga pagkain at inumin.
“Imbyerna talaga ‘tong mga media na ‘to!” paghihimutok ni Mami Oni habang naglalakad kami palabas sa elevator. Papunta na kami ngayon sa backstage ng i-Guest Mo! “Nananahimik ‘tong alaga ko, pero gusto nila palaging gawan ng issue. Wala na ba silang makalap na ibang tsismis?”
Ate Rhea chuckled. She’s carrying the bag that’s full of make up and other beauty products. “Hindi ka pa ba nasanay, Mami?” natatawang tanong niya. “Kapag wala na silang makitang artista na puwedeng pakialaman nila, hahanap ‘yan sila ng ibang tao na puwede nilang gawan ng issue para masabi lang na may nakakalap silang mga impormasyon.”
Napataas ang kilay ni Mami Oni. “At si Yverie ang nakita nila?” napapairap na tanong niya. “Pinangangalagaan nga natin ang imahe ni Yverie tapos gagawa naman sila ng kung anu-anong issue? Para ano? Para siraan siya?”
“Showbiz nga naman talaga, oh,” natatawa namang saad ni Joshua. “Kaya ayaw ko talagang pumasok sa mundo niyo, eh.”
“Ang tanong… matatanggap ka kaya?” mapang-asar na tanong ni Emily sa kaniyang katabi.
Nang dahil sa sinabi ni Emily ay halos lahat kami ay natawa. Si Joshua lang talaga ang hindi natuwa sa ginawang pangbabara ni Emily sa kaniya. Palaging nag-aasaran ang dalawang ‘yan sa tuwing nakakakita sila ng pagkakataon na mag-asaran. Gerald would be there to interfere between them. Natatahimik lang silang tatlo kapag pinagsasabihan na sila ni Mami Oni o hindi kaya’y ni Ate Rhea.
“Baka mag-away na naman kayong dalawa,” natatawang pagpuna ni Ate Rhea.
“We’re in the middle of something, mamaya na kayo magpatayan,” segunda ni Mami Oni sa sinabi ni Ate Rhea.
Nagpatuloy na kaming anim sa paglalakad patungo sa pinto kung saan matatagpuan ang backstage ng TV show na paggi-guest-an ko. Nanahimik naman ang tatlo at seryoso na lang na naglakad. May bitbit na bag si Gerald at Joshua. Ang laman ng mga bag ni Gerald ay mga pagkain at inumin. Ang kay Joshua naman ay naglalaman ng ilan sa mga gamit ko. Hawak naman ni Emily ang bag na hindi kalakihan, doon nakalagay ang ilan sa mga personal na gamit ko.
“When will Ate Jia be back?” I asked as we stopped in front of a double door that will lead as to the backdoor of the TV show.
Ate Jia is my personal designer. She’s the one who’s responsible for my outfits. Unfortunately, she’s not here in the Philippines. She’s in California right now. There’s a competition there and she participated.
May bantay roon sa tapat ng double door. Nakilala naman nila ako kaagad at ang manager ko kaya binati nila kami. Sinuri rin muna nila ang mga dala naming gamit bago kami iginiya papunta sa dressing room.
Nang mapatingin ako sa relos ko ay nakita ko na alas-onse na pala ng umaga. Ilang minuto na lang ay tatawagin na ako kaya sakto lang ang pagdating namin.
“Upo ka na muna, Yve,” utos sa ‘kin ni Ate Rhea nang makapasok kami sa loob ng dressing room. “We’ll retouch your make up and fix your hair.”
Sumunod naman ako kaagad sa kaniya. Inilapag nina Emily, Joshua at Gerald ang mga bag na bitbit nila. Si Mami Oni ay naupo sa upuan na nasa tabi ko. She’s looking at my reflection in the mirror. Doon din ako nakatingin kaya nakita ko siya na nakamasid sa ‘kin.
“According to Jia, she’ll be back in next three days, a day after her competition,” sagot ni Mami Oni habang sinusuri ang ginagawang pagre-retouch sa ‘kin ni Ate Rhea. “She has things to do there even after the competition is over.”
Mababaw akong tumango. “Okay,” sagot ko.
Ate Jia is a professional fashion designer, so it’s not shocking anymore to know that she’s well-known even abroad. She usually competes that’s why I barely see her. But she’s still doing her job as my personal designer despite of being busy on her competitions.
“Nagkakausap ba kayo ni Harvey?” pagtatanong ni Mami Oni.
“Pikit ka sandali,” utos ni Ate Rhea na siya namang sinunod ko. Aayusin niya kasi ang eyeshadow ko kaya pinapikit niya ako.
“I don’t usually reply to him,” sagot ko habang nakapikit. “Nagkikita naman kami sa set sa tuwing may shooting kaya bakit pa ako magre-reply? Sasayangin ko lang ang oras ko.”
Nagbuntonghininga si Mami Oni. “I get that you don’t want to waste your time, Yve. But… you are suppose to be extra sweet and caring to him because—”
“Because he’s my on-screen partner?” pagtatapos ko sa sasabihin ni Mami Oni. Bahagya akong nakaramdam ng inis ngunit hindi ko na ‘yon ipinakita. “I know what I’m doing, Mami Oni. Hindi naman na namin kailangang maging sweet at caring sa isa’t isa kapag nagkakausap kami dahil wala namang media sa paligid namin.”
Hindi na nakasagot si Mami Oni. Tapos na si Ate Rhea sa pag-aayos ng make up ko kaya nagdilat na ako ng mga mata. Nakita ko sa reflection ko sa salamin na nasa likuran ko si Ate Rhea. Inaayos niya na ngayon ang buhok ko na bahagyang nagulo nang dahil sa hangin sa labas kanina.
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang crew ng TV Show. May suot siyang headphone at may hawak na isang camera. “Pasok ka na raw po, Ms. Yve,” magalang na saad nito. “Kapag po narinig niyo ‘yong malakas na background music, ‘yon po ang cue kung kailan kayo papasok.”
Ngumiti ako sa crew bago tumango. Lumabas na siya at saka bumalik sa kaniyang pwesto. Sa huling pagkakataon ay inayos muli ni Ate Rhea ang make up ko bago siya nag-thumbs up.
“You’re now good to go,” aniya nang matapos akong pakatitigan.