Chapter 10

928 Words
Gabi na pero hindi pa umaalis ng opisina si Jenna. Nagkaroon ng press conference si Polo. Para iyon sa hinahawakan nitong kaso laban sa isang kilalang pulitiko. Ikinanta ng isa sa mga staff ng naturang pulitiko ang malaking anomalyang kinasasangkutan nito. In return, the politician filed a case against the said employee. Si Polo ang tagapagtanggol ng whistle-blower. She saw Polo in action and she couldn't help but be amazed. Malinaw at diretso sa punto ang pagsagot nito sa mga tanong ng mga dumalo sa press conference. Kitang-kita rin ang passion nito para sa ginagawa nito. Naalala tuloy niya ang papa nito. Napapanood niya ang matandang lalaki dati sa TV kapag ini-interview ito o kaya ay nagiging laman ito ng balita. Hindi nalalayo rito si Polo. Both of them possessed brilliant minds. Idagdag pa roon ang kanilang malakas na personalidad at karisma. Maraming kinailangang ihanda para sa press conference. Ngayong tapos na iyon ay kailangan namang iligpit ang mga dokumentong pinagkuhanan ng ilalaman sa press kit na ipinamigay sa media. At iyon ang pinagkaabalahan niya ngayon. Ayaw niya namang iwan ang opisina na parang dinaanan 'yon ng sampung bagyo. Ayaw niyang may masabi si Polo sa kanya. Iyon nga lang, nakakapagod ang ginawa niya. Gutom na rin siya. Nang mailagay niya sa filing cabinet ang pinakahuling salansan ng mga folders na nakapatong sa mesa niya ay umupo muna siya sa pinakamalapit na upuan. Hinilut-hilot niya ang batok niya. Napaigtad siya nang may ibang kamay na dumantay kanyang batok. "P-polo?" naibulalas niya pagkakita kay Polo. "You were expecting somebody else?" tanong nito. "N-no. Kaya lang, hindi ba umalis kana kanina? Hindi ka nga nagpaalam, eh." Umarko ang isang kilay nito sa sinabi niya. "Hindi ko alam na dapat pala akong magpaalam sa iyo," sabi nito. "H-hindi naman sa gano' n. Kaya lang, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga naghahanap sa iyo, kung babalik ka pa ba o kung saan ka nagpunta." "Okay, fine, pardon the oversight. Sa susunod ay bibigyan kita ng written itinerary ko." "Polo, naman, eh..." Gusto niyang maghimutok. Mahigit dalawang lingo na siyang nagtatrabaho rito pero hanggang nang mga sandaling iyon ay matindi pa rin ang animosity na ipinapamalas nito sa kanya. Maybe she deserved it but it could be tiring sometimes, lalo pa at bukod sa pagod ay gutom na rin siya. She felt tears form in her eyes. Kumurap kurap siya para pigilan ang mga iyon sa pagpatak dahil ayaw niyang makita iyon ni Polo. "Don't give me that," sabi nito kasunod ng marahas na pagbuga ng hangin. "W-wala akong ginagawa. Ahm, aalis na ako." "Oh, no, you don't." Sinaklot nito ang braso niya. Kapagkuwan ay pinihit siya nito paharap dito. Masyado itong malapit kaya napasadlak siya rito. She felt the breath being knocked out of her. Nagpapalag siya, hindi dahil ayaw niyang mapalapit dito kundi dahil bigla ay naramdaman niya na gustung-gusto niyang yumakap dito at mangunyapit sa leeg nito. Pero maagap nitong nasukol ang mga kamay niyang itinukod niya sa dibdib nito. Itinaas nito ang mga iyon at saka siya banayad na itinulak paatras. She ended up with her back against the wall. Itinukod nito ang mga braso nito sa dinging kaya nakulong siya sa mga iyon. Tinitigan siya nito. Parang may hinahanap itong kung ano sa kanyang mukha. Kapagkuwan ay umiling ito. "Ano ba' ng problema mo?" tanong niya. Dapat ay pagalit ang pagsambit niya niyon pero hindi ganoon ang nangyari. Bigla ay nahirapan siyang huminga. "I'm just wondering why after all these years you still have an effect on me," sabi nito. Lalo pa siyang nahirapang huminga. Ano ang ibig nitong sabihin? Magtatanong sana siya pero pinigilan siya nito sa pamamagitan ng pagpatong ng hintuturo nito sa mga labi niya. The simple gesture seemed to ignite something inside her. Kung anuman iyon ay mabilis na kumalat iyon. Hinaplos nito ang kanyang pisngi. Kapagkuwan ay pinahid nito ang mga luhang tumakas sa kanyang mga mata sa kabila ng pagpipigil niya. Habang ginagawa nito ang mga yon ay nakatitig ito sa kanya- dahilan para kumabog ang kanyang dibdib. "P-Polo... ahm. u-uuwi na ako." Kailangang makaalis na siya roon dahil kung hindi pa siya aalis ay baka kung ano pa ang magawa niya. Ayaw niyang magkasala. Hindi man kasal ito at si Blaise, magkakasala pa rin siya dahil may relasyon ang mga ito. "Why?" tanong nito. "G-gabi na at gutom na ako. Kanina pa dapat ako umuwi." "Kumusta ang itay mo? I mean, how is he taking all these?'' Bahagya siyang nawindang sa tanong nito. Ang labo kasi niyon sa nangyayari sa kanila nang mga sandaling iyon. "Nag-aalala pa rin siya pero nakakahinga na siya ngayon nang maluwag dahil ikaw ang humahawak ng kaso niya." "Hindi ba sila nagtaka ng inay mo?" "Medyo. Pero ipinaliwanag ko ang sitwasyon. Sinabi ko rin sa kanila ang totoo, na ang kapalit ng serbisyo mo ay ang pagtatrabaho ko para sa iyo." "And they bought that?" "Oonaman. Isa pa, ang mahalaga ay ang kapakanan ni Itay. Iyon na lang ang iniisip ko sa ngayon." Hindi na niya ipinagtapat dito na hindi alam ng mga magulang niya ang puno't dulo ng paghihiwalay nila. Ni hindi alam ng mga ito kung saan nanggaling ang perang ibinigay niya sa mgaito noon para ipambayad sa utang ng itay niya. Ang sabi lamang niya ay nakapangutang siya ng medyo malaki para mabayaran lahat ng utang. "I see." Tumahimik si Polo pero hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa kanya. "Polo, ahm, aalis na ako," ulit niya. "Hindi pa rin ako kumakain. Sumabay kana lang sa akin," anito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD