CHAPTER 19 ENGR. JITSU POV Matapos sabihin ni Zhennaire ang mga salitang iyon, habang si Patricia ay abala pa rin sa walang katapusang kakulitan, wala na akong nagawa kundi matawa. Hindi ko alam kung alin ang mas matindi ang pagiging amozana ni Zhennaire o ang kabaklaan level 100 na enerhiya ni Patricia. Parang pelikula lang ang nangyari kanina; may iyakan, may tili, may sampalan pa, tapos biglang naging comedy. Pero sa dulo, may kakaibang saya at init na hindi ko maipaliwanag. Nandito ako ngayon sa loob ng kotse, nakaparada sa tapat ng bahay ko. Nakahawak pa rin ako sa manibela habang nakangiti, iniisip pa rin ang eksenang ‘yon. Si Patricia, tili nang tili habang pinipigilan si Zhennaire. Si Celestina, umiiyak pero yakap-yakap ako, humihikbi pa ng “Daddy Best friend, sorry po.” Grabe

