CHAPTER 25 Zhennaire POV Hindi ko alam kung ilang araw na akong umiiyak. Parang ang bawat patak ng ulan sa labas ay kasabay ng bawat patak ng luha ko. Minsan, humihinto ako. Akala ko tapos na. Pero kapag napapikit ako, bumabalik lahat ‘yung mga ngiti niya, ‘yung boses niyang laging nagsasabing “trust me”, at ‘yung mga pangakong tinupad niya noon… hanggang sa hindi na. At ngayon, nandito ako sa sala, yakap ang unan, habang humihikbi nang parang bata. Walang suklay ang buhok ko, walang gana sa pagkain, at kahit kape, hindi na kayang pasiglahin ang utak ko. Narinig ko ang pamilyar na kaluskos ng takong sa sahig. “Teka lang, girl, anong ganap dito at parang pelikula ni Bea Alonzo ang eksena mo?” Si Patricia. Ang bakla kong best friend. Ang palaging nasa likod ko sa bawat pagkabagsak

