Bellia’s Point Of View Mahirap tanggapin kung ganoon nga, bakit nga ba nangyayari ito? Bakit hindi nila masagot ang kauna-unahan kong tanong sa kanila? Bakit pilit nilang pinipilit na hindi nila alam kung ito nangyayari. Parang biro lang ang lahat na ito kung walang makakasagot sa tanong ko. Miyembro si Gabriel ng Andreada’s DVL, hindi ako makapaniwala sa nalaman, totoo nga na miyembro siya dahil kahit na ganito ako ay nakakapansin din ako ng mga kilos at galawin niyang hindi ko na dapat napansin, at hindi lang pala ako ang nakapansin ng mga niyon, si Matthew din at si Hideo. Ang binabanggit ni Hideo na tuwing kasama ko ang isang tao ay umiiba ang ihip ng hangin sa kanya tuwing nakikita niya kaming magkasama, si Gabriel ang kanyang tinutukoy. Bakit hindi niya sinabi na siya pala ang tin

