Iniliko ni Maricar ang kanyang sasakyan, dumiretso ito sa malaking poste. Napapikit silang dalawa, dahil sa mabalis ang takbo ni Maricar malakas yung naging impact ng pagkakabangga. Tumama ang ulo ni Harmony sa harapan ng sasakyan ganun din ang kaibigan niya. Tila huminto ang pag-ikot ng mundo ni Harmony, may naririnig pa siyang ingay bago tuluyang mawalan ng malay. Nagkakagulo na ang mga tao habang nakatingin sa sasakyan ni Maricar. Tumawag na din sila ng ambulansya, para ma-rescue ang dalawang dalaga. "Anong nangyari?" "Lagi na lang may naaksidente dito." "Kawawa naman ang dalawang dalaga," "Mabilis daw ang kanilang takbo," "Muntik na silang mabangga ng truck, inilihis ng driver pero bumangga pa rin sila dito sa poste," "Sabi ng Driver ng truck, mukhang wala daw preno dahil kung m

