Hindi pa rin makapaniwala ni Agatha sa nangyari nung araw na yon. Nagdadalawang isip siya if sasabihin niya kay Jerome ang nangyari, siguradong bukambibig na naman siya ng binata kaya ayaw na niyang sabihin. “Hoy Agatha, bilisan mong maglakad dyan para kang naglalakad sa silong ng buwan!” Sigaw ng isang babae sa kanya, walang nagawa si Agatha kundi maglakad ng mabilis kahit malaki na ang kanyang tiyan. “Ito buhatin mo tapos paki linis yung banyo!” Sigaw naman ng isa pang babae bago binato yung map sa kanya. Pupulutin na sana niya kaso may naunang dumampot walang iba kundi si Jerome, malamig niyang tinignan yung mga babaeng nagpapahirap kay Agatha bago ibinalik na binato sa kanila. “Bakit hindi na lang kayo ang maglinis, lagi niyong inaasa kay Agatha ang dapat gawain ninyo!” Malamig na

