Harmony’s Po ___ Abala akong nagluluto ng pagkain na dadalhin ko sa ospital at kay Caleb, sinipag ako ngayon gusto kong ilabang ang aking sarili, dahil baka kung ano na namang pumasok sa aking isipan. Adobong pininyahang manok ang aking niluto para sa aming lunch, ihahatid ko lang itong pagkain nila mommy sa ospital tapos pupunta na ako kay Caleb. Nakaalalay namang ang dalawang katulong sa aking pagluluto, inihanda na rin nila yung tupperware kung saan ko ilalagay itong pagkain. After nang ilang minuto ay natapos din ako, dahil kaluluto ko palang yung kanin muna ang aking inasikaso. Nakaka-excite kasi ngayon lang ulit ako nakapagluto, sana kapag dumating yung right time. Tamang lalaki na ang pinagsisilbihan ko, yung ako lang yung babae sa buhay niya. Marunong makuntento at naappreci

