Kinabukasan, maagang nagising si Hubert pumunta ang binata sa kwarto kung saan nakakulong yung lalaki. Dala niya ang maliit ng timba na may lamang malamig na tubig. Binuksan ng isang tauhan niya yung pinto, pagpasok ni Hubert walang pag-aalinlangang ibinuhos iyon sa lalaki. Dahil sa lamig ng tubig halos tumalon ito, dahilan para matumba siya nanginginig ang kanyang katawan. "Pupunta tayo sa presinto bilisan mong kumilos! Bigyan mo yan ng damit na maisusuot!" Pagkatapos niyang sabihin iyon at agad din lumabas ang binata. "Ihanda mo na ang sasakyan!" Utos niya sa kanyang driver, bago kinuha yung cellphone para tawagan si Caleb. "Kamusta ang lagay ni Harmony? Nagkamalay na ba siya?" Malamig niyang tanong sa binata. "Hindi pa rin siya nagigising, ganun din si Maricar wala pang pagbabago

