Kinabukasan ay bumalik si Caleb sa presinto, dahil maagang tumawa ang kanyang contact na pulis. Sinalubong agad siya nito at pumasok sila sa isang kwarto. Pinaupo nila si Caleb bago nagsalita ang contract niyang pulis. "Good morning Mr. Desmonia, may nakausap na akong pwedeng nagpahirap kay Agatha." Seryoso nitong sabi, napatango naman si Caleb. "That's good, pwede niyo ng umpisahan na pahirapan siya." Seryoso niyang sagot bago sumandal sa kanyang kinauupuan. "Pwede ko silang utusan ngayon para makita mo." Ngumisi naman siya saka tumango. "Sige bago ako pumunta ng ospital." Agad niyang sagot, tumingin ang pulis sa kanyang mga kasamahan. Tumango naman sila bago lumabas ng silid. Pumunta ang dalawang lalaki sa silda kung saan nakakulong si Agatha. "Agatha, may dalaw ka!" Seryosong sabi

