Lian's POV Mabilis akong humingi ng tulong sa mga taong nandoon para dalhin si Ericka sa pinakamalapit na hospital. Nanginginig pa ako nang isugod namin siya sa hospital. Sobrang putla niya kasi at ngayon lang ako nakatagpo ng ganoong eksena. 'Yong may babagsak na lang sa harap ko na walang malay. Nakakakaba pala talaga. Kasalukuyang nasa Emergency Room si Ericka Nakaupo naman ako sa labas upang maghintay sa update ng doctor sa lagay niya. Sana okay lang siya. Ano kayang sakit niya? Ang huling pagkikita lang namin ay noong ma-snatch sa akin ang wallet ko. Noong unang dating namin ni Cyrna rito. Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa rin lumalabas ang doctor na tumingin sa kanya. Nag-alala na ko. Hindi ko naman nadala ang cellphone ko para sana tawagan si Jed. Tinignan ko ang relo ko,

