Lian's POV Napuno ng usapan at bulungan ang buong stadium ng mga sandaling iyon. Syempre, lahat ng fans niya ay affected sa nalaman. Napaka-private kasi ng love life ni Justin. Walang nakakaalam kung may dine-date ba siya o kung sinong mga naging girlfriend niya. Pero ang pinaka nakakagulat ay sa kanya mismo nanggaling ang tungkol sa bagay na dapat ay pribado sa buhay niya. "I think we don't have any issue about that. He said that Ella is just his EX-girlfriend, so it means that it is all in the past," sabi ni Jed. Siguro ay para isalba si Justin. Hanggang sa matapos ang show ay hindi na nagbago ang awra ni Justin. Kapag tinitingnan ko siya sa mga mata niya ay halo-halong emosyon ang nakikita ko. "Bakit mo sinabi 'yon?" basag ni Nico sa katahimikan ng lahat. Kasalukuyan kaming nabiyahe

