Lian's POV "Bakit nandito ka?" muli kong tanong sa kanya. "I just want to see you," tugon niya. Parang may kung anong humaplos sa puso ko. Hindi ko alam kung katangahan ba ang tawag dito pero, nakaramdam ako ng kakaibang kiliti nang makita ko siya. Sinundan niya ba ako rito para lang batiin ako ngayong birthday ko? Ayokong mag-assume pero pasaway 'tong puso ko. Kailangan kong ipakita sa kanya na ibang Lian na ako ngayon pagkatapos niya akong saktan at iwanan. Kailangan kong iwasan ang pagiging marupok. "Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko ulit. "I have my ways," tugon niya. "Ini-stalk mo ba ako?" "Yes," deretsyong sagot niya sa akin. "Anong kailangan mo?" "I want to talk to you, Lian." "Para saan naman ang pag-uusapan natin? Mayroon pa ba tayong dapat na pag-usapan?" "Li

