-Peter- Kararating ko pa lang saakin office ng makita kong naroon na rin sa loob ang kapatid kong si Philip at karelasyon nitong si Andy na isa rin sa mga kaibigan ko. Masama agad ang naging aura ko sa dalawa dahil sa alam kong problema ang hatid ng mga ito sa akin, nakatinginan naman ang dalawa dahil alam nilang galit ko ngayon. “Kuya” Mahina at walang buhay na tawag sa akin ni Philip. Tinignan ko lang ito at nakita kong napayuko na lang ito sa aking harapan na animoy maamong tupa. “Alam na ba n’ya ang lahat?” Makahulugan kong tanong sa mga ito. Nakita kong napabunga ng hangin si Andy at ito na rin ang sumagot sa tanong ko. “Ang tungkol sa relasyon namin ang alam n’ya at hindi pa rin n’ya alam ang tungkol sa’yo, Peter” Sagot nito habang nakatingin sa aking mga mata. Nababasa ako sa ma

