-Kea- “Napatawad ko na po kayo ni Daddy at kaya ko pong kalimutan ang lahat Mommy, ang mahalaga ngayon ay gumaling si Daddy dahil gusto ko pa rin bumawi sa kanya bilang anak n’ya. Nais kong makasama pa layo ng matagal at makita pa n’yoang magiging apo n’yo sa akin.” Masaya kong sambit dito at ako na mismo ang angpunas sa mga luha nitong kumalat na rin sa kanyang namumulang pisngi. Dito nagmana si Summer ng pagiging mapula ang pisngi, si Mommy kasi kahit na walang make up ay sadyang mapula ang cheekbones at ang lips nitong madalas ko ring kinaiingitan sa kanya. “Tama nan ga yang iyakan n’yo buhay pa ako.” Malat na salita ng aking ama na ngayon apla ay gising na at nakatingin sa amin ni Mommy. Nagmamadali naman akong lumapit dito at niyakap ko ito ng mahigpit na ikinasaya ng aking puso. “

