Chapter 5

2129 Words
-Kea- Kasalukuyan akong nasa department store para mamili ng mga stock kong pagkain dahil sa malapit na rin akong manganak kaya naman kailangan ko na rin magtabi ng maraming pagkain dahil ayokong makaabala kila Flower at sa iba ko pang mga kasamahan para sa mga pangangailangan ko. Nakaleave na rin naman ako ngayon dahil in two weeks’ time at manganganak na ako sabi ng doctor ko, ayaw kasi ni Madam Mila na sa restaurant ako abutan ng panganganak ko kaya naman minabuti ko na lang din na magfile ng leave ng sa ganoon ay hindi na ri nila ako alalahanin pa. Tutal alam na rin naman ng mga kasamahan ko ang totoong kalagayan ko dahil ako na rin mismo ang nagsabi sa kanila noong mga panahon na nahahalata na rin ang aking tiyan nagulat na rin ako sa biglang paglaki ng aking tiyan kaya naman wala na rin naman ako nagawa kung sabihin sa mga ito ang katotohanan. Nag-alala pa nga ako dahil baka magalit sila at magtaka kung paano nangyaring nabuntis agad ako dito, dahila alam nilang lahat na bago palang ako dito at wala pang gaanong mga kakilala. Pero laking pasasalamat ako dahil naintindihan nila ang aking naging sitwasyon buong puso nila akong tinanggap kahit pa hindi ko nasasabi sa kanila ang buong kuwento ng aking buhay, wala akong narinig na kahit na anong pangit na sila mula sa kanila, pagkus ay palagi pa silang nakaalalay sa akin lalo na kung mahihirapan ako sa isang order na kailangan kong dalhin sa customer. Kaya naman nakaramdam ako ng hiya sa kanilang lahat dahil halos wala na rin naman ako gagawin, nagpalit na lang din muna kami ni Yumi ng trabaho at ilang araw din akong nag cashier hanggang sa tuluyan na rin akong nagleave pansamantala. Hindi ko naman ikinuwento sa mga ito ang buong detalye ay naging maayos pa rin ang turing nilang lahat sa akin kaya kahit papaano ay naging masaya naman na ako. Halos binili ko na lahat ng kailangan ko dahil nagadvance ako ng sahod kay Madam Mila ng sa ganoon ay maging maayos ang pagkilos ko sa apartment kung sakaling ipanganak ko na ang baby girl ko, sa totoo lang ay excited na akong mahawakan ito at mayakap. Nasabi ko na rin sa parents ko ang araw na kung saan ay maaari na akong manganak, subalit wala silang naging sagot pa sa akin kaya naman inisip kong busy pa ang mga ito sa kanilang mga negosyo. Pero ganon pa man ay alam kong kapag nabasa na nila ang message ko ay matutuwa rin ang mga ito, nagpadala na rin ako ng result ng ultrasound ko at masaya ko ring ibinalita sa kanila na baby girl ang kanilang magiging apo. Ang sabi naman ni Daddy ay siya na lang ang magsasabi kay Mommy dahil busy lang ito talaga sa mga nagiging meeting nito dahil na rin sa may bago daw silang restaurant na pinatatayo. Naging masaya naman ako sa tagumpay ng negosyo ng aking mga magulang at kahit nasa malayo ako ay sobra akong proud sa kanila dahil sila ang mga magulang ko kahit pa hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ni Mommy. Hapon na rin ng makarating ako sa bahay at saka ko inayos ang lahat ng pinamili ko, hanggang sa sumapit ang pasado alas otso ay may biglang kumakatok sa may pintuan ko na ipinagtaka ko naman kung sino yon? Dahil wala rin naman ako inaasahan na pupunta dito sa akin ng ganoong oras, nagpasya na lang akong buksan pero nagulat ako ng makitang pumasok sina Flower at Madam Mila at maraming dalang pagkain na hindi ko rin talaga inaasahan. Nagtaka ako sa naging pagpasok nila at hindi talaga ako nakareak sa mga ito lalo na at nakita kong sila na rin mismo ang naglalagay ng mga pagkain sa loob ng cabinet at ref ko. Nag-uusap pa ang mga ito na magdadag-dag ng gamit bukas ng sa ganoon ay maging komportable din daw sila dito, alam mo yon nag-uusap silang dalawa na parang sila ang nakatira dito sa bahay ko. Kaya naman sumabat na ako sa mga ito dahil parang balak pa nilang manatili dito sa bahay ko. “Teka! Anong ginagawa n’yong dalawa? At bakit ba kayo andito hindi n’yo ba alam na gabi na rin at balak ko na rin sana magpahinga?” Salita ko sa mga ito subalit makikita sa akin ang malaking pagtataka kung bakit nga ba sila andito ngayon at mukhang may balak sila na parang hindi ko naman gusto. Iba ang tinginan ng dalawa kaya talagang nagtataka ako sa mga binabalak ng mga ito. “Naku sorry gurl, pero nagdesisyon na kaming dalawa na samahan ka hanggang sa ilabas mo yang junakiz mo. Saka alam naming kailangan mo ng tulong at huwag ka na rin tumanggi pa dahil ayos lang naman sa amin ang samahan ka noh.” Masayang sagot ni Flower at saka tumabi sa akin para hawakan ang kamay ko. Nalaglag naman ang banga ko dahil sa pinagsasabi ng baklang to, ano daw titira sila dito? Ay naku kaloka talaga ang baklang to napapailing na lang ako dahil sa pagiging makulit ng mga ito. “Mabuti pa magpahinga ka na lang saka huwag mo kami intindihin at ayos lang kami. Sa Kabilang kuwarto na lang muna kami tutuloy ng sa ganoon may magdadala sayo sa hospital kung sakaling sumakit nayang tiyan mo.” Baliwalang sambit naman sa akin ni Madam Mila at habang inaayos ang mga pagkain sa isang cabinet na wala pa rin gaanong laman. “Sandali lang po, hindi n’yo naman kailangan na bantayan ako. Alam ko naman po ang number ng hospital at ang sabi ng doctor ko ay magiging madali lang naman ang kanilang response want’s na tumawag ako sa kanila.” Paliwanag ko namang salita dito. Pero parang wala pa rin sila naririnig dahil nakikita kong patuloy pa rin sila sa kanilang ginagawa. Napahinga pa ako dahil sadyang hindi naman ako pinapansin ng mga ito at mukhang buo na rin ang kanilang loob na samahan talaga ko. Kinabukasan ay wala na rin akong nagawa ng makitang natutulog ang dalawa sa kuwarto, nagpadeliver talaga ng isa pang kama si Madam Mila dahil sa ayaw nitong makatabi sa iisang kama si Flower. Natawa pa ako ng sabihin ni Madam na baka daw biglang tayuan si Flower oras na masagi nito ang kahabaan nito. Sa tingin ko ay hindi naman napipikon si Flower dito at natutuwa ako sa kung anong klaseng friendship silang dalawa. Mukha marami na rin silang pinagdadaanan at kilalang-kilala na rin nila ang isa’t-isa. Napangiti na lang ako ng makitang mahimbing ang tulog ng dalawa sinarado ko na lang muna ang pinto ng sa ganoon ay hindi lumabas ang lamig ng aircon at hindi magising ang mga ito. Nakakahiya naman kung nakitulog na nga sila eh, maiisorbo pa ang kanilang mga tulog. Mabuti na lang ay kahit papaano ay medjo malaki ang bahay na binili ni Daddy para sa akin dahil kung maliit ay natitiyak kong hindi kami kasya. Nagsimula na rin akong magluto ng almusal ng sa ganoon ay may kainin ang mga boarders ko, napapailing pa ako sa aking sarili dahil ang sabi ng mga ito ay babantayan ako, samantalang mas mahimbing pa ang tulog nila kaya sa akin. Ay naku mukhang umiiwas lang ang dalawang ito sa mga gawain sa restaurant kaya dito naman sa akin nanggugulo. Ilang sandali ay nakaluto na rin ako ng pwde naming makain mamaya, naunang nagising si Flower at naghihikab pa itong pumasok sa kusina at kumuha ito ng tubig sa ref ng hindi man lang ako napapansin. Nakapikit ang isa pa nitong mata at hindi ko mapigilang matawa dahil sa suot nitong red nighties na mukhang paborito nitong suotin. Hinayaan ko na lang din muna ito dahil mukhang tulog pa rin naman ito sa kanyang ayos, subalit bigla na lang itong pumasok ng banyo at saka naligo ng hindi ko naman inaasahan. Ilang sandali pa ay si Madam Mila naman ang lumabas at mukhang antok pa rin ito. “Good morning, Madam, kain na po tayo. Si Flower po nasa banyo at mukhang naliligo na rin po.” Salita ko dito at maganda ang ginawa kong ngiti dito. Gumanti naman ito ng ngiti sa akin at saka tumango na lang sa akin, hanggang sa kumakain na rin kami sa may dining area ng lumabas ng banyo si Flower at nakasuot pa itong robe na kulay pink, grabe ang isang ito babaeng-babae kung kumilos at manamit kaso sayang dahil lalaki din kasi ang hanap nito eh. “Bakla kumain ka na dito dahil ikaw muna ang bahala sa restaurant at ako muna ang magbabantay kay Kea?” Malat na sambit ni Madam at halata pa rin dito ang atok at mukhang malalim rin ang iniisip nito. Tinignan ko naman si Flower at napairap na lang ito sa aming amo, wala na rin naman ito magagawa dahil boss pa rin namin ang nasa aming harapan. “Fine, basta need mong idouble ang payroll aba mahirap kayang maging manager at the sometimes ay isang beautiful waitress.” Masaya pa nitong turan sa aming boss, pero nakikita sa mata nito ang pagkairita kay Madam Mila. Aangal pa sana ako at balak kong kontrahin ang sasabi ng mga ito pero sinamaan ako ng tingin ng mga ito at talagang sabay pa silang tumingin sa akin ng masama na animoy may ginawa akong hindi tama. Muli na lang akong napahinga dahil wala na rin akong nagawa ng tulungan ako ni Madam sa mga gawing bahay, ito na rin ang naghugas ng plano naming pinagkanan at tinutungan din ako nito ng maglinis ng bahay nahihiya man ako ay wala na rin ako nagawa dahil sa inuunahan ako nito sa mga bagay na gusto kong gawin. Ang higpit din nito lalo na sa tanghali dahil ang gusto nito ay matutulog ako ng sa ganoon ay mas maging healthy pa daw ang kanyang magiging inaanak. Nakamasid lang din ako dito habang inaayos ang iba pang mga bagay na dapat ayusin. Pasado alas-dos ng tangahali ng may tumawag dito na boses lalaki, nagpalaam itong lalayo ng konti ng sa ganoon ay makausap nito ng ayos ang nasa kabilang linya. Ilang minuto rin ang lumipas bago ito nakabalik kaya naman nag-ayos na rin ako ng pwde naming mameryenda habang nanonood kami ng Netflix. Kasalukuyan na kaming nanonood ng bigla na lang ito nagtanong sa akin. “Kea, ok lang bang magtanong tungkol yan sa magiging ama ng anak mo?” Kinakabahan pa nitong tanong sa akin. Tumingin naman ako dito at saka tumango alam ko naman na gusto nilang malaman ang kuwento kaya sa tingin ko ay pwdena rin naman dahil sa sila naman ang katulong ko ngayon sa pagbubuntis ko. “Oo naman po, ano ba ang gusto mong malaman Madam Mila.” Sagot ko dito habang binalik ko ang panonood ko ng tv. Sa totoo lang ay kinakabahan akong sabihin dito ang totoo at baka mag-iba nag tingin nito sa akin na ayoko sanang mangyari. “Talaga bang hindi mo kilala ang lalaking naka one night stand mo dati? Baka lang kasi may idea ka kung sino siya o baka nakita mo na ang mukha niya hindi mo lang maalala diba?” Pagtatanong nito sa akin na ikinalingon ko naman dito. “Hindi ko talaga nakita ang mukha niya dahil ng magising ako ay wala na rin naman siya sa tabi ko. Saka sa tingin ko ayos na rin na ganoon ang nangyari, kasi baka kung sakaling nakita at nakilala ko siya tapos malalaman ko lang na may pamilya na pala siya eh di ang ending ako pa ang nakasira ng pamilya. Kaya ayos na lang sa akin kahit hindi ko na lang siya makilala pa.” Paliwanag ko dito habang ang mata ay nasa pinanonood ko pa rin. Hindi ito kumibo at mukhang iniisip ang aking sinabi. “Eh, kung wala pala siyang asawa o nobya sa tingin mo pwdeng mainlove ka sa kanya?” Tanong ulit nito sa akin habang ang tingin naman nito ay nasa kanyang phone, mukhang may kachat din ito kaya hinayaan ko na lang din kasi baka importante. “Siguro kung wala s’yang sabit ok lang sa akin, pero hindi naman ganoon ang nangyayari diba? Saka alm mo bang may laman na ang puso isang taong sa palayo ko lang rin natatanaw. Matagal ko na siyang gusto at nasa elementary pa lang ako ay mahal ko na siya, kaso ng umalis sila sa lugar namin ay nalungkot ako ang buong akala ko pa naman ay masasabi ko na dito na gusto ko siya kaso hindi pala.” Malungkot kong pagkukuwento ko dito hanggang sa bumalik sa ala-ala ko ang lahat at kung paano ko nakilala ang lalaking minahal ko ng mahabang panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD