-Kea- Mabilis natapos ang kasal namin na ikinatuwa ng mga naroroon, nagtaka pa ako noon guna dahil sa hindi ko nakita si Madam Mila at Flower. Hindi ko alam pero inaasahan ko na makikita ko sila ulit ngayon, gusto ko rin naman malaman nila napatawad ko na sila at hand ana ulit akong maging kaibigan sila. Sa totoo lang ay mabubuti silang tao at gusto ko rin silang muling makasama kaya lang ay mukhang bigo akong makita sila ngayon sa mismong araw ng aming kasal ni Peter. Malalim na pala ang pag-iisip ko ng kurutin ako ng magaling kong asawa sa aking pisngi, napakuno’t noo ako subalit tinawalan lang ako nito at bumulong sa tenga ko na ikinalaki naman ng aking mata. “Ang lalim ng iniisip mo baka naman nasa honeymoon na yang pag-iisip mo, na excited ka ba bigla, ha?” Bulong nito na ikinatuwa

