-Peter- Ang buong akala ko ay hindi na matutuloy ang outing na matagal ko na rin naman pinaghandaan, sa katunayan ay may nabili akong resort dito sa bansa o maging sa ibang bansa. Subalit walang nakakaalam kung na saan ang mga ito dahil gusto kong malaman muna ito ng aking mag-ina bago ko ipaalam sa ibang tao ang mga napundar kong mga lugar na alam kong pwde naming puntahan lalo na kung gusto lang muna namin ni Kea ng katahimikan o kung gustuhin ko na masolo ito. Alam kong mahilig ito maligo sa mga beach na madalas nilang puntahan ng kanyang mga magulang noong bata pa ito, kaya naman pinilit kong maghanap ng lugar na malapit sa dagat at gusto ko itong isuppresa sa aking mag-ina, lalo na sa babaeng pinakamamahal ko. Masaya lang ang pakiramdam ko habang nakikita ko sa aking mag-ina ang kasi

