Akala ko pa naman magiging view ko for the day si Mayor. Unang araw pa lang, Monday, e wala na ito sa office. May nilalakad daw na deal na hindi ko naman maintindihan. Siguro dahil bago pa kaya para akong bangag na nalilito sa mga nangyayari.
At sa totoo lang, wala naman akong ginawa sa office maliban sa kaka-cellphone at syempre naman nagbasa na rin ng english novels kahit na wala naman akong maintindihan. Sinilip lang ako ni Ma’am Bessy ng malapit ng maglunch at inaya. Ayaw ko nga sana dahil may baon naman ako kaso mapilit talaga.
“Naku, libre naman eh. Don’t worry, akong bahala sa’yo.”
Ngiwi naman ang ngiti ko dahil nakakahiya iyon, ano! Kahit libre, hindi naman siya ang Ate Bobby kaya talagang nakakahiyang umabuso. Pero dahil sabi niya ay dahil first day ko e ngayon lang naman.
Hindi na lang ako nagpumilit lalo na at sumama pa iyong BJMP na pinsan daw nito. Ngusong-nguso naman ako habang nagbibida naman ang isa. Tawang-tawa nga si Ma’am Bessy at walangya na tinuro ang kabilang table, kung nasaan iyong pulis na lumapit kanina. At ang nakakahiya pa ay lantaran itong nakatitig sa’min.
“Hindi ka ba pala-gala, Hanana? Hindi kita nakikita rito.” Tanong nitong si Kevin,
“Hindi eh, school-bahay lang ako.” sagot ko habang sinusubuan ang sarili.
“Kaya naman pala... hindi ka rin ba active sa pagmomodel?” Tanong na naman nito, hindi nauubusan ng topiko. Samantalang panaka-naka naman ang tawa ni Ma’am Bessy na hinahayaan naman ang pinsan nitong sabunin ako ng mga tanong na napaka-basiccc... susko!
“Hindi rin, hindi ako nagmomodel. School-bahay lang talaga ako.” Irap ko na nakayuko.
“Gusto mo ipasyal kita...” inalok na nito ang tunay na pakay.
Si Ma’am Bessy tuluyan na ngang natawa. Ako nama’y natigilan sa pagsubo at inangat ang mga mata. Medyo nahihiya nga itong nakangiti sa akin. Ako nama’y naturn off kaagad. Total turn off sa’kin ang mga ganyan. Unang kita pa lang eh gumagalaw-galaw na kaagad. Saka, I’m not into MIU. Pass talaga...
“Wala na’kong time sa mga ganyan, pasensya na Sir.” Diniinan ko ang tawag rito para maintindihan nitong mataas ang respeto ko sa mga katulad nilang nakauniporme pero hindi ako pumapatol.
Natahimik na lang ito at saktong patapos naman na kami kaya tumayo na kaagad ako at nagpasalamat sa libreng lunch mula kay Ma’am Bessy. Umalis si Kevin na kasama ang mga kasamahan nito, nagpaalam naman kaso hindi ko na napansin. Si Ma’am Bessy nga eh panay ang tukso sa akin...
“Naku patay, pila-pila ang mangyayari.” Halakhak nito ng sinalubong na naman kami ng isang kaibigan nito at nagtatanong, kaso nakatitig naman sa akin. Hinawi ko na nga lang ang buhok at tumitig sa field. Medyo kakaunti ang mga tao ngayon, siguro dahil takot pa ang ilan lumabas. Katatapos lang ng pandemya at siguradong nakakahawa pa rin ang sakit.
“Oy, hinihingi daw ni Valdes iyong number mo! Tulala ka diyan!” Tawang-tawa si Ma’am Bessy habang kinakalabit ako.
Kunot naman ang noo ko habang nakatitig sa pulis. Naging hilaw ang ngiti nito, parang pinagpapawisan. Ngumuso lang ako at iginilid ang mga mata, saktong dumaan si Ate Bobby... nakauniporme ng isang bank at patawa-tawang kinakausap ang mga katrabaho. Ng magkatagpo nga ang mga mata namin ay tirik na naman ang mga mata nito.
“Yong utos ko ah!” Pahabol pa nito.
Napailing na lang ako at nilingon muli ang pulis na mukhang naghihintay.
“Sorry po, bawal po kasi Sir. Yong dumaan, Ate ko po... papagalitan ako noon.”
Imbes na iba ang tinutukoy ni Ate Bobby ay ginawa kong palusot.
Parang nakakaunawa naman at tumango na lang bago nakangiting nagpaalam. Si Ma’am Bessy panay ang hampas sa balikat ko.
“Te, try mo kaya iyang charm mo kay Mayor? Baka tumalab.” Halakhak nito.
Ngumuso na naman ako at umakyat. Ito nama’y bumalik sa tax office, may nakapila na kasi... magbabayad yata ng tax para sa lupa.
Ako nama’y bored ulit sa itaas, kaso namutla ako noong napansin ang isang web ng gagamba malapit sa kasulok-sulukan ng kisame. Kumuha na lang ako ng walis pamaypay at pilit na inaabot iyon. Pinilit ko talaga hanggang sa nakaginhawa ako at saktong bumukas ang pintuan. Si Mayor! Ganoon na lang ang biglang pagkabuhay ko. May dala itong supot ng kung ano... saka kahit galing sa labas mukhang fresh pa rin. Malinis kasi talaga tapos malinis din ang gupit ng buhok.
“What are you doing, Hanana?” Nagtatakang pansin nito sa pwesto ko.
Plastik naman ang pagkakangiti ko at binalik sa lalagyan ang walis habang nagpapaliwanag.
“Ah... hindi talaga tinatao tong office. Pagpasensyahan mo na. I’ll call the utility later.” Saka nito inabot sa akin ang isang supot. Supot pala ng isang fastfood chain. Amoy pa lang parang nakakagutom na.
“Kumain na po kayo Mayor?” Tanong ko pagkakita sa isa pang supot. Mag-aalas dos na! Dalawang oras na lang matatapos na ang shift!
“Kakain pa lang, come and join me.” Sabi nito habang umuupo sa harap ng mesa nito.
Nahiya naman ako at nag-aalala. Madalas ba itong magpalipas? Samantalang ang sarap ng kain ko kanina, ito pala ay kakain pa lang.
Hindi naman ako makaayaw kaya sinamahan ko na rin ito at naupo doon sa adjacent ng office table nito. Tumigil ito sa pagsubo at lumipat para magtapat kaming dalawa. Ako nama’y biglang nanigas. Nahiya! Parang di ko yata masusubo itong kinakain ko kung ganito naman kalapit si Mayor. Susko! Gwapong-gwapo talaga ako rito, iyong kutis nito e tan kung titingnan... saka ang tangos ng ilong ha, infairness, parang wala namang kapintas-pintas.
“Go eat Hanana...” utos nito.
Tumango ako at sumubo kahit na ang totoo nanginginig na ang mga daliri ko habang ginagawa iyon. Ganado kong kumain si Mayor, siguro gutom. Bigla talaga akong nahiya dahil habang kumakain nga ako kanina e ito busy pa pala sa trabaho. Nalipasan na nga eh...
“May ipapagawa ako mamaya, Hanana. Urgent ito kaya sana matapos mo kaagad.” Utos na nito habang umiinom ng tubig.
Tumango ako at kagat ang labing ibinaba ang mukha para mas malapit ang pagsubo. Si Mayor nga e kumakain na ng dessert, samantalang ako... di pa nakakalahati.
Busog na ako! Paano ko naman mauubos ‘to?! Nakakahiya namang sabihin na ayaw ko na. Pero itong si Mayor, mukhang nakakaramdam kaagad. Tinanong ako kung kaya ko pa bang ubusin. Tumango ako at pulang-pula ang tenga na halos maduwal na.
“Hanana, it’s okay... kung ayaw mo na ako na lang ang uubos.”
Ha?? Teka, mas lalong nakakahiya iyon. Ngunit iyong ngiti ni Mayor parang nagpatulala sa akin. Makawang gawa nga ito, hindi ko na rin napilit ang sarili at talagang siya ang kumuha ng kinakain ko at ginamit pa iyong plastik kong kutsara! Laglag naman ang panga ko!
Indirect kiss iyon ah?! Namanhid tuloy ang labi ko sa hiya at parang gusto na lang tumayo roon. Kaso masarap din palang titigan si Mayor na kumakain ng dahan-dahan. Walang kaarte-arte.
“Done,” ngiti nito.
Napangiti na lang ako ngunit pinigilan ko rin ang sarili at kunware ay nahihiyang niligpit na ang mga pinaggamitan. Nakakahiya sobra, pero mas gusto ko yatang ipa-frame ‘tong hawak kong kutsara. May laway kasi ni Mayor. Hehehe...
Balak ko na sana kung hindi lang sa paglingon ko e tumitig din si Mayor bago tipid na ngumiti. E di, napilitan akong itapon yan. Sayang!
“Ito Hanana, summary yan ng mga reklamo doon sa pinuntahan ko no’ng isang araw. Pakigawa nang mas mahabang article.”
Patay! Bobo pa naman ako sa mga ganito, kaso kailangang-kailangan ko ng scholarship kaya kahit hindi ako sigurado e ginawan ko nga noon. Nakapag-overtime pa tuloy ako ng isang oras dahil sa kaiisip ng mga tamang words na hindi ko alam kung angkop ba roon.
Pinabasa ko muna kay Mayor, baka kako nakakahiya. Hindi naman ako fluent sa English, magmumukha iyong pambatang gawa.
“Paki-tama na lang nito,” nilagyan niya na lang ng bilog ang mga mali at nilagyan ng tama.
Naging hilaw ang ngiti ko at bumalik sa maliit na opisina at inedit ang tama bago muling bumalik kay Mayor. Mag-aalas sais na! Siguradong papagalitan ako mamay ni Ate kasi hindi ko pa nabibili iyong utos nito. Maiintindihan din naman siguro nito ang paliwanag ko mamaya.
“Pakilagay na lang diyan,” turo nito sa nakakumpol na mga papel.
Sinunod ko naman at bumalik muli sa opisina para kunin ang bag at sinilip sa glass wall si Mayor na subsob pa rin sa trabaho. Minsan nakakunot ang noo pero madalas nakailing. Mga complains yata iyon eh, kung pagbabasihan iyong reaksyon ni Mayor.
Napakamot batok na lang ako nang napansin na malapit ng mag-alas siete... mabuti na lang kumain ako kanina kundi gutom na ako ngayon.
Ano? Anong oras uuwi si Mayor? Gabi na ah, overtime na ako ng tatlong oras, impunto alas 7 ng gabi at hayun, busy pa rin ang Mayor ng Munisipyo. Mukhang walang balak na umuwi.
Kumunot na tuloy ang noo ko at naglakad papasok. Natigilan ito sa pagbabasa at medyo awang ang labi na tumitig sa akin.
“O? Hindi ka pa uuwi?” Nagtatakang tanong nito.
Laglag naman ang panga ko! Dapat ba?! Hindi ko pa ito hihintayin?! Akala ko ba dapat ganoon?
“E-eh, Mayor... nandiyan pa po kayo eh.” Ngiwi ko.
Napatikhim ito at nag-abot ng tubi. Lumagok muna samantalang ang mga taksil kong mga mata at nauhaw din sa tanawin ng nagslow mo nitong adam apple.
“You can go, Hanana. Overtime ako ngayon. Baka mahirapan ka niyan makauwi.”
Naging hilaw ang ngiti ko at nagpaalam na lang. Lakad takbo ang ginawa ko dahil madilim na pababa ng hagdan. Pati Hallway patay na ang ilaw. Wala na ring tao sa lobby. Except sa naglilinis at tatlong guard na nandoon sa bungad.
“Kuya, nasa loob pa si Mayor ah... wag niyong sarhan.”
Paalala ko pa na tinawanan lang ng tatlo.
“Ma’am sanay na po kami kay Mayor, madalas iyang mag-overtime. Ikaw Ma’am Ganda, uwi na po kayo... delikado pa naman ngayon. Ingat ka.”
Ah! Madalas pala, dapat siguro bukas mas maaga akong magpaalam. Pwede naman palang umuwi na pagkatapos ng trabaho.
Ligtas naman akong nakauwi kaya lang hindi ligtas ang tenga ko sa inis ni Ate Bobby. Inis na inis nga e at gusto sanang bawiin ang pinahiram nitong allowance.
“Oy, Ate! Sorry na nga! E may tinapos pa akong trabaho, promise bukas bibilhan kita.”
Hindi ito nagsalita at umirap lang bago nagdadabog na umakyat. Si Papa naman na nasa sala e natatawa, na ikinainis ko kaya lang hindi naman ito nakatitig dito. Hmp!
Kinabukasan, maaga pa lang ay gising na ako. Ipinagluto ko ng ulam ang mga tao sa bahay, lalo na si Ate na late na kung magising. Pagkatapos ay naghanda na rin ako ng sariling baon kaso natigilan ako sa paglalagay ng ulam sa parehong baunan nang naalala si Mayor.
Sabi nga, ika nga nila, To get a man’s heart, feed him... with love. Ay hindi! Syempre ng pagkain. Pero parang mali naman yata itong naiisip kong kasabihan. Bahala na nga!
Pagkatapos ay pumara na lang ako ng tricycle sa kanto at nagpahatid sa Munisipyo. Naghintay ako sa labas, sa pag-aakalang may flag ceremony ulit... dumating naman si Ma’am Bessy na tawang-tawa sa akin habang sinasabi ang hinihintay.
“Every Monday lang iyan, Hanana. Pinagtitinginan ka na naman oh! Anong wet look iyan?”
Mapanukso rin ito eh. Nabadtrip tuloy ako, hindi sa kanya, kundi do’n sa mga lantarang nakatitig. Umakyat kaagad ako at sinilip ang loob ng opisina. Wala si Mayor! Siguro maaga iyon! Ewan ko.
Nilapag ko lang sa mesa nito ang isang baunan bago dineposit ang mga gamit sa sarili kong opisina, Naks! At lumabas para magtanong sa kung sino.
“Pumasok na ba si Mayor?” Tanong ko sa guard na kausap ko kahapon.
“Hindi pa eh, walang log book. Siguro dumaan muna sa kung saan iyon.” Paliwanag nito.
Tumango ako at umakyat muli saka tiningna ang mesang wala namang laman. Kalahating araw na naman ba ako mabobored? O buong araw? Di ako sure niyan.