Tahimik lang itong nakaupo sa isang tabi habang nililinisan ko iyong mesa at binalik ang mga nahulog kanina. Nagtataka nga ako kung bakit tahimik ito, maiintindihan ko sana kung dahil sa trabaho o kung anong problema, kaso kanina pa silip ng silip sa akin. "Bakit?" Mahinang tanong ko rito. Napalunok ito at napahimas sa ulo bago tumitig muli sa akin. "I was harsh." Sabi nito na siyang ikinatawa ko. Unti-unti rin itong napapangiti at hindi na tulad ng ngiti niya kanina. Totoong ngiti na ngayon... "I guess you liked it... Gusto mo yata iyong marahas." Halakhak nito. Naitikom ko tuloy ang bibig at sumimangot. Hindi naman sa ganoon, pero parang nga... I don't know, hindi naman dapat ako makaramdam ng sobrang kaiga-igayang pakiramdam, pero kasi... Kiliting-kiliti ako kanina. "Sira, nanunu

