Savannah Katulad ng pinagusapan namin ni Maxton at sa plano niya. Heto ako, nag-gagayak ako ng mga gamit ko. At katuwang ko si Maxton sa akin pag-aayos sa mga gamit ko. Kaunti lang daw ang gamit na dadalhin ko. Dahil marami naman daw ako naiwan na mga bagong damit sa bahay niya.. Habang nagsasalita siya, nakikinig lang ako. Kapag daw, aanihin ang mga gulay ko. Dadalhin sa bahay nila para makain dun. Pumayag ako sa plano niya kesa naman masira kung hindi ito mabebenta sa palengke... "Hon, handa kana ba? Aalis na tayo ngayon..." Natinag ang pagmumuni ko sa pagsasalita niya. Saglit ako tumingin sa mukha ni Maxton. At sinilip ang mga inaayos namin na gamit ko. Ayos na lahat. "Tapos kana?!" Hindi makapaniwalang naging reaskyon ko sa kanya. "Oo, hOn... May iniisip ka yata ng malalim? Ka

