Savannah Maaga palang umalis na kami sa bahay. At medyo sariwa parin sa isip ko ang nanyari kagabi at kanina. Ginising ako ni Maxton, saka niya dinampihan ang labi ko ng labi niya na hindi pa ako, nakakapagmumog. Kaya napatakip ako ng mukha ko. Pero tinawanan lang binata ang reaskyon ko sa ginawa niya. Tsaka niya ako binangon sa higaan at kinarga sa mga bisig niya at lumabas kami ng kwarto ko, nagtungo sa kusena, Tsaka niya ako nilapag sa harap ng lamesa, na puro pagkain ang nasa ibabaw nun. Tumingin ako sa kanya na may pagtataka? "Niluto ko ito para sayo, hon. Kaya kumain ka ng marami..." Saka niya nilagyan ng mga pagkain ang plato ko sa bilin niya. "Ikaw nagluto ng mga ito, Max? Weh, hindi nga?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. At tumigil s'yang maglagay ng pagkain ko sa pla

