SSI Office
Kumalat sa social media at mainit na pinag usapan ang bagong pakulo ng SSI hotel. Maraming nagbigay ng positibong komento at mas lalong dumating guest ang nagbobook sa hotel. Samantala sa office ni Star nagkaroon ng celebration ang buong team.
" Goodmorning everyone"
" Goodmorning Mr. Moon and Mr. Sun" bati pabalik ng mga empleyado ng SSI.
" Moon, Sun" laking tuwa ni Star ng makita ang dalawang kapatid.
" Congrats" bati ni Moon bago siya niyakap
" Thank you"
" We are so proud of you"
" Sir Star sa labas muna kami kapag may kailangan ka sabihan mo lang kami"
" Maraming salamat sa tulong niyo hindi natin to maabot kung wala kayo sa tabi ko"
" Wala yun boss marami ding salamat sa pagtitiwala niyo sa amin"
Nang makalabas ang mga empleyado sa loob ng office. Nagbukas ng alak si Moon at binigyan silang dalawa.
" Let's cheer for SSI success" sabay sabay silang uminom ng alak pagkatapos nagkaroon ng kunting kwentuhan.
Pagkalipas ng isang oras umalis din ang kambal. Pareho silang abala sa kaliwat kanang meetings sa company. Naiwan si Star sa loob ng office habang tinitigan ang kanyang cellphone. He is hoping na makatanggap ng isang tawag mula kay Ken to congratulate him pero ni isang text wala siyang natanggap.
Bumukas ang pinto at pumasok si Pretz ang kanyang secretary.
" Sir mayroong mga media na nasa labas gusto daw nila kayong makausap tungkol sa bagong offer ng SSI hotel. Sinabihan ko na ang mga guard na huwag silang papasukin"
" Pretz let's them in magandang pagkakataon to para mas maipalam natin sa publiko kung ano ang bagong maibibigay ng SSI" nakangiting sabi ni Star agad na lumabas si Pretz para salubungin ang mga media samantala si Star naghahanda para sa mga sasabihin nito.
Sampung myembro ng media ang pumasok sa kanyang office.
" Welcome to SSI" bati ni Star isa isa silang kinamayan
" Maraming salamat Mr. Star Imperial sa pagpapaunlak ng isang interview mula sa amin"
" Walang ano man yun masaya akong maibabahagi kung ano ang bagong maibibigay ng SSI"
" Ayos lang ba if we ask a random question?"
" OO naman" lahat ng mga camera at mic nakatutok sa kanya.
" Mr. Star Imperial paano niyo naisip ang bagong ideya na sa halip na SSI hotel ngayon tinatawag na itong SSI home?"
Flashback
Pagkatapos ng office hours nanatili sa garden area ng hotel si Star pinagmamasdan niya ang buong paligid habang malalim na nag iisip.
Kring kring.
He picked up his phone at sinagot ang tawag,
" Hello big brother Star"
" Zachary kinuha mo ba ang phone ng papa mo"
" Hmm.. daddy give us this.. they are currently in their room"
" Zachary look look" narinig niya ang boses ni Wayne
" Big brother Star we saw your picture on TV"
" Zachary Wayne I have something to ask"
End of the flashback
" naisip ko yun dahil sa dalawa kong pamangkin. I offer them a staycation on a hotel pero tumanggi silang dalawa. They wanted to stay home tapos bigla kong naisip ano nga bang ang mayroon sa sariling bahay kumpara sa isang hotel.I remember a home is a warm place and full of love.
SSI is being the top hotel for almost three years but recently the number of guest is decreassing for 10 percent. Its time to take a risk and put up another idea na magugustuhan ng lahat"
" Home? thats sound interesting Mr. Star would you mind to give us a full details kung ano ang mga bagay na dapat gawin ng SSI para maisakaturan ang mga naisip niyong plano"
" We are dealing between the quality and the quantity. SSI is a 5 star class hotel and it wont cant be called home if it will be remained a exclusive hotel"
" Anong ibig niyong sabihin"
" SSI hotel will stay the same on how we treat our guest but the price will of a staycation will be the same staying on the normal hotel" nanlaki ang mga mata ng taga media matapos marinig yun. To afford the SSI hotel you need million para makapagbook sa hotel. Katahimikan ang namayani habang nakaprocess pa utak ng mga ito ang sinabi ni Star"
" Mr. Star Imperial seryoso po ba kayo?"
" Yes I am lahat tayo pwedeng magbook sa kahit anong hotel exclusive man o hindi. Pero minsan lang natin maramdaman ang pakiramdam na parang nasa bahay lang tayo. SSI can provide the exclusive but an affordable price for all. Binago narin namin ang ibang rules you can bring your own pet kahit ano man yan they are also belong to a family"
"Sigurado ang mga taong nangangarap na makapasok sa SSI ay matutuwa dahil makakaya na nilang magbook ng hotel"
" Mr. Star Imperial maraming salamat sa pagpapaunlak ng isang interview. We congratulate you dahil pinagkakaguluhan ngayon ang SSI Hotel"
" Maraming salamat din sa pagpunta"
Hinatid ni Pretz ang mga media sa labas habang si Star nag aayos ng gamit. Umalis siya ng office at umuwi ng condo. Naabutan niya si Ken na nakaupo sa sala kaharap ang sandamak mak na documents.
" Ken"
" Welcome home mayroong pagkain sa lamesa" saad nito hindi man lang siya nito tiningnan.
" Are you busy?"
" A bit ang dami kong kailangan ayusin"
Hinalikan siya ni Star sa pisngi bago ito niyakap. Minsan lang sila magkita kaya hindi niya maiwasang mangulila kay Ken.
" Star Im busy lets talk later"
" Im sorry mukhang nakakaistorbo yata ako"
" Thats not what Im trying to say"
" It doesnt matter continue your work"
Umalis si Star at dumeretso sa kusina. Kumuha siya ng tubig at uminom.Pinakalma niya muna ang sarili bago bumalik sa sala kung saan si Ken. Ayaw niyang makipagtalo sa kanya dahil minsan lang sila magkita. He is trying to understand him as much as he can. Ibinaba niya ang baso pagkatapos uminom ng tubig.
Napatigil siya sa paglalakad at pinagmasdan si Ken mula sa malayo. He was able to accomplish the new success of SSI pero isang bagay ang nanatili siyang bigo. Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan niya bago umakyat sa taas.