Akira's Point of View "I'm always here for you." Gusto kong maging masaya dahil sa sinabi niya pero hindi ko rin magawang hindi masaktan para sa kanya. Alam ko sa sarili kong sinusubukan niya lang maging matatag, kahit sa kalooban niya ay durog na durog na at dahil iyon sa akin. Sinaktan ko siya. Ako ang nanakit sa kanya, pero bakit sarili niya ang kanyang sinisisi? Gusto kong magalit siya sa akin, pero bakit sarili niyang pagkukulang ang kanyang iniisip? He has so much reason to be angry about, but why does he has chosen not to? Keiton, magalit ka. Magalit ka sa kamaliang nagawa ko at nang sa kahit ganoong paraan man lang ay makabawi ako sa sakit na naidulot ko sa puso mo. "Keiton, hindi. Hindi ikaw ang nagkulang. Ako ang hindi nakuntento. Saglit akong nawalan ng tiwala noong ika

