Akira's Point of View Marahan kong kinusot ang aking mga mata para makapag-adjust sa nakakasilaw na liwanag dala ng ilaw. Mukhang napasarap yata ang tulog ko kagabi dahil sa pagod. Mula sa katabing mesa ng hinihigaan kong kama ay namataan ko ang isang pares ng damit, underwear at bra. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at lumapit sa mesa kung saan nakapatong ang mga damit. Isang sulat ang aking nakita. Wear these. -Keiton Iyan ang nakasulat. Hindi ko maiwasang hindi mag-init ang aking mga pisnge. Hindi ako kinikilig. Nagb-blush ako dahil sa hiya at inis. Tang na juice 'yan! T-back ba naman na panty ang ipapasuot sa akin? Letsee lang. Pero, parang wala na akong ibang choice kun'di ang maligo at suotin ito dahil ramdam ko na ang panlalagkit ng aking katawan. Hinubad ko ang s

