Someone's Point Of View Napakuyom ang mga kamay ko habang nakatitig sa katawan ng aking ama na walang buhay. Nanlilisik ang mga mata at puno ng galit akong napaluha. "Magbabayad ang kung sino man ang gumawa nito sa kanya!" sigaw ko, walang pakialam sa mga taong nakakarinig. Mabait ang Daddy ko, kaya bakit nila nagawa ito? Bakit?! Napahawak ako sa kanyang kabaong at patuloy na umaagos ang maiinit kong luha mula sa aking mata. Nanghihina at nanginginig na ang aking mga tuhod. Wala na! Wala na ang kaisa-isa kong kasama sa buhay. Pinaslang na nila! Magbabayad sila! "D-daddy..." Pumiyok pa ang boses ko dala ng panginginig nito. Mahina kong sinuntok-suntok ang gilid ng kanyang kabaong habang walang humpay na tumutulo ang aking luha dulot ng lungkot at paghihinagpis. "Hindi! Hindi la

