Akira's Point of View
"Shan Akira Fuentes."
Binalingan ko ang aking bestfriend na ngayon ay binabanggit na pati ang buo kong pangalan.
"What a pretty long name, isn't it?" Nakataas ang kanyang kilay habang nakapasok ang kanyang kamay sa bulsa ng suot niyang lab gown. Ano na naman kaya ang ibubunganga nito sa akin? What do I expect pa nga ba? She's always been like that. She acts like my mother or let's just say 'a parent' since I don't have one. Matagal nang pumanaw ang mga magulang ko at simula nang mawala sila sa mundo sa bahay na ng bestfriend ko ako nakatira.
Mahina kong pinindot ang syringe na hawak-hawak dahilan para sumirit ito kaunti. It's an antidote na ituturok ko sa asong nagkasakit.
"What is it now?" I asked.
"Mananatili ka nalang ba talaga sa maliit na clinic na ito? I mean, sayang ang kakayahan at abilidad mo. Magaling kang doctor, Akira. Bakit hindi ka mag-apply sa malalaking hospital?" aniya. Walang pinagbago, gano'n pa rin ang naririnig ko mula sa kanya sa halos isang linggo na.
Ibinalik ko ang atensyon ko sa asong nakahiga sa hospital cot. Dahan-dahan kong ipinosisyon ang aking kamay at maingat na itinurok ang syringe na naglalaman ng antidote sa katawan ng aso.
"I'm happy helping you here. Atsaka, ang ku-kyut ng mga alagang hayop na dinadala rito kaya even though it was just a small animal pet clinic, I'm fine with it," sabi ko bago binunot ang nakabaon na karayom ng syringe sa katawan ng aso.
"Good dog!" I complimented.
"I'm talking to the long-run effects here. I mean, kaya ko naman na itong clinic. I have Kirt in here anyway. Tinutulungan niya naman ako. Ikaw kasi, nasasayangan lang ako sa abilidad at kakayahan mo bilang doktor. You've got the highest score in the board exam, you even got complimented a lot back in our college days. I'm pretty sure you can be the best doctor in this town kaya gustong-gusto kong magtrabaho ka sa malaking ospital. Mas marami kang matutulungang tao at hindi lang hayop. 'Di ba 'yon naman ang gusto mo? Ang makatulong sa ibang tao kaya ka nga nagdoktor, hindi ba?"
Kinarga ko sa aking mga braso ang kyut na aso. It has a long white hair. From its pure white hair breed, I can say that this dog is what they called Samoyed. Napakasmooth and soft ng buhok nito, ang sarap himas-himasin.
I gaze at my bestfriend. Her hands are still in her lab gown's pocket. Ano ba siya? Isa ba siyang estatwa? Or maybe she's doing mannequin challenge kaya hindi siya gumalaw at nag-iba ng pose kanina pa sa kinatatayuan niya.
"Are you a mannequin?" I directly asked, putting a foolish smile in my lips. This girl is something far beyond my understanding. Sa pagkakakilala ko kasi sa kanya, she's a girl who hates standing for a minute doing nothing. At ngayon, heto siya at ilang minuto na ang lumipas nakatayo pa rin at hindi gumagalaw sa kanyang kinatatayuan.
"Huwag mong ibahin ang ating usapan, Akira!" aniya. May tono ng pagkaseryoso sa kanyang pagkakasalita kaya awtomatiko akong napapeace sign sa kanya.
Lumakad ako at akmang lalampasan ko sana siya nang harangin niya ako.
"Hindi kita papadaanin kapag hindi mo sinasabi sa akin na papayag kang magtrabaho sa malaking ospital." Is she giving me a threat? Well, lumang estilo. Walang kabago-bago.
I threw a serious look at her and directed a glance to the dog I am carrying, "Naghihintay ang amo nitong aso sa labas," wika ko. If she will continue threatening me old-fashionedly, marami akong pampalusot.
She sighed in defeat and harshly brushed her hair in frustration. She then moved sideward, giving me a way to pass. I'm an Alpha kid, ya' know!
Diretso ko siyang nilampasan at agad na binuksan ang pintuan.
"Akira, pumayag ka na... please?" she begged. Nasa likuran ko siya at sumusunod sa akin.
"Give me some time to think. For now, just let me enjoy myself helping you save more pets. Alam mo namang napamahal na ako sa trabaho ko dito sa clinic 'di ba? Kaya kailangan ko talaga ng oras para makapag-isip ng gagawing desisyon," sambit ko bago tuluyang lumabas sa silid. Sumunod naman siya sa akin.
Bumungad sa paningin ko ang amo ng karga-karga kong aso. Magkausap sila ni Kirt. Siguro nilibang na naman ito ni Kirt para hindi ma-bored sa kakahintay. Sa room kasi na pinasukan ko para turukan ng antidote itong asong karga-karga ko ay para sa authorized personnel lamang, kung kaya't hindi maaring pumasok ang amo ng aso.
"Here's your dog..." Nakangiti kong inabot sa kanya ang ngayo'y nagsisimula nang magkaroon ng lakas niyang aso. Agad naman niya itong kinuha mula sa pagkakarga ko.
Mahigpit niya itong niyakap at hinalikan. It's safe tho. Wala na naman kasing rabies ang alaga niya at isa pa malinis ito't mabango.
"Thank goodness your getting strong, Sophia!" aniya na puno ng kaligayahan.
"Bring her after a week for her last check up," bilin ko sa kanya. She nodded and thanked me before she leave.
I walked towards the nearest table to get my coffee. I smiled upon seeing my coffee inside my favorite mug. It brought memories back from the past. Kahit may maliit na basag ito, hindi ko pa rin ito magawang itapon. It's the last mug I received before my parent passed away.
I picked it up and started sipping my coffee. Nilinamnam ko pa rin ang lasa nito kahit hindi na ito mainit.
"What do you want to eat for breakfast?"
Agad akong napabalik sa aking ulirat nang magsalita si Alliyah --bestfriend ko mula sa aking likod. Inubos ko ang kape sa aking tasa bago siya nilingon.
I glance at the wall clock hanged in the wall behind her, "It's already 9:30 AM and you still want to eat breakfast?" Nakapagkape naman na ako kaya okay lang sa akin ang hindi na kumain ng breakfast. Alam ko rin naman na nakapagkape na rin siya at si Kirt kaya baka naman pwedeng mamaya nalang kaming pananghalian kakain.
She pointed her tummy, "The dragons inside my tummy are calling my name saying they wanted me to feed them already."
Medyo natawa naman ako sa sinabi niya.
"By the way, where's your boyfriend?" tanong ko nang hindi ko makita Kirt. Katabi niya lang 'yon kanina eh. Ito naman kasing bestfriend ko minsan kapag sinusumpong ng kalandian, parang linta kung makadikit. Good girl yata mood niya ngayon. Hmmm!
"Umihi," maikli niyang sagot. Tumango naman ako.
"Akirah, ibili mo ako pagkain, please?" she pouted.
"Stop pouting! You look so miserable." Napatigil siya sa pagpout at napacross arms.
"Ibili mo kasi ako pagkain!" Tila nagtatampong tono na sabi niya.
I tapped her shoulder, "Okay po, ma'am Alliyah!" sagot ko naman bago siya nilampasan at lumabas ng clinic para magpunta sa karenderya. I know what she likes to eat anyway kaya hindi na ako nag-abala pang magtanong. Dalawang serve ng kanin at adobo sa ulam, coke bilang pantulak at isang slice ng blackforest cake bilang dessert. Iyan lang naman ang paborito niya lalo na sa umagahan niya sa ganitong oras.
Liliko na sana ako sa kanto nang makakita ako ng mga taong nagkukumpulan sa 'di kalayuan. Ano naman kaya iyon?
Isasawalang bahala ko nalang sana at magpatuloy na sa pagliko sa kanto nang may dumaan malapit sa akin na babae kaya't agad ko itong tinanong.
"Ate, anong meron bakit maraming tao ang nandoon sa harap ng mataas na building?" tanong ko.
"Naku, Ija! May taong nahulog daw mula sa rooftop ng building na iyon. Ayon sa narinig ko, binaril daw ito sa ulo kaya nahulog." She called me Ija kaya paniguradong hindi niya namalayang nakalab gown ako.
"Ahh okay! Salamat ate."
Imbis na lumiko, inunahan ko pang tumakbo ang babaeng nakausap ko papunta sa nagkukumpulang tao. Pagkarating, hinawi-hawi ko ang mga nasa unahan para makadaan ako. Why many people are like this? Kapag mayroong taong nahulog sa building tapos namatay ay agad nilang pinapalibutan. Hindi lang sa ganitong sitwasyon, kundi pati na rin sa iba pang insidenteng nagkakaroon ng patay. Are they some kind of flies? Siguro nga kapamilya ng mga langaw ang ganitong klase ng mga tao.
Pagkarating ko sa unahan, bumungad sa akin ang lalaking nakatinghaya sa daan. Naliligo ito sa sariling dugo. Lumapit ako at agad na kinuhanan ng pulso. I shookt my head when I felt no pulse in his neck. Confirmed! He's already dead. Pero ang medyo nakakakilabot tingnan ay ang nakabukas pang magkapares nitong mata na tila ba hindi niya tanggap ang kanyang pagkamatay.
I closed his eyes using my hands. It's nothing to me. Normal na gawain lang naman ito ng isang doktor.
Nagsimulang magsilaalisan ang mga tao nang dumating ang ambulansiya. Tumulong naman ako para maisakay ang bangkay sa sasakyan. While busy assisting, I looked around and suddenly saw a suspicious guy. Despite being in the midst of the crowd, I clearly saw a tall guy in a black suit who wore black sunglasses. What made him look suspicious is the thing in his waist. Sa suot nitong fitted na slacks at black tuxedo, bakat sa kanyang tagiliran ang hugis ng isang baril. He's not a cop for sure! He might be the culprit!
I followed him with my eyes. Sinundan ko siya gamit ang aking mga mata kung saan siya dumaan at lumusot. Nang tuluyan ng mailagay sa loob ng sasakyang ambulansiya ang bangkay, sinundan ko ang lalaking kahina-hinala.
Tumakbo ako para masundan ang kaniyang dinadaanan. Nang medyo malapit na ako sa kanya, maingat na akong naglakad. He acted so innocent, tila ba pinapakita niyang wala siyang alam sa pagkamatay ng lalaki kanina. Kung hindi ko nakita ang nakabakat na hugis baril sa tagiliran niya malamang isa na ako sa naniniwalang inosente siya. If he's the culprit, is it this easy to kill someone for him? Na para bang wala lang.
Nakalayo na kami sa pinangyarihan ng insidente. Patuloy ko lang siyang sinundan mula sa kanyang likod hanggang sa pumasok siya sa isang eskenita. Sa pagkakaalam ko, tahimik at medyo walang taong dumadaan dito. Bakit siya doon pumasok? He looks so decent kaya napakalaking katanungan naman kung dyan siya dadaan para umuwi, imbis na sa sasakyan niya siya pupunta.
Sa pagdadalawang -isip, napagdesisyunan kong sundan siya sa eskinita. It may be beyond my job pero katarungan ng taong namatay ang nakasalalay rito.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa eskinita ay siya namang pagtutok ng baril sa uluhan ko. Wrong move! Dapat kasi sana hindi nalang ako sumunod pa!
Biglang nanginig ang mga tuhod ko. Sana kasi Akira bumili ka nalang ng pang-umagahan ni Alliyah!
Marahan akong napapikit sa aking mga mata habang ramdam na ramdam ko ang b****a ng baril ng lalaking sinusundan ko sa aking ulo.
"Who are you?!" A baritone voice filled my ears. May halong lamig sa boses niya na para ba bagong bukas na freezer. Goosebumps started growing behind my neck.
"Refuse to answer and your death will be the consequence!"
And that made my system shocked. Is this the end of me?