Chapter Thirteen Jasmine and I have been swimming for more than an hour now. Nag merienda lang kami sandali at naupo sa sun louger na nasa gilid lang ng pool. “Ate anong oras na po?” tanong ko sa kasambahay na nagligpit ng pinagkainan namin ni Jasmine. “Quarter to 5 po,” ani Ate. Tumango lang ako at nagpasalamat saka siya umalis para dalhin sa kusina ang niligpit niya. “Pauwi na siguro si Kuya,” sabi ko kay Jasmine na naasa katabing sun lounger ko lang. Bumaling ako sa kaniya at nakita ko ang pag nguso niya. “Nahihiya ako, Celie,” ani Jasmine at tumingin sa ‘kin. “Nahihiya ako sa Kuya mo pati na din kina Tito at Tita,” I glared at her. “Nahihiya ka lang dahil nagkakamabutihan na kayo ni Kuya,” sabi ko sa kaniya. “Pero noon naman hindi ka nahihiya, ah,” Sinamaan

