Chapter Twenty Four Friday na at bukas na ang pool party sa bahay nina Greg del Valle, pinsan ni Samantha del Valle. Nandito kami ngayon sa gazebo at nag-uusap silang lahat tungkol doon habang nakatulala ko. “Excited na talaga ako! Naka-ready na ang two piece swimsuit ko!” narinig ko ang masayang boses ni Tamara pero hindi ko na nilingon. Alam ko naman kasi kung bakit siya excited eh. “Huy! Tamara!” tawag ni Jill sa kaniya. Napailing na lang ako bago nagsulat sa notebook ko ng kung ano-ano. Wala pa si Jasmine dito. May klase pa siya kaya wala pa siya dito. “Alam ko kung bakit ka excited!” ani Jll. Naikot ko ang mga mata ko sa narinig. Alam ko din, Jill. Gusto kong sabihin ‘yon pero pinigilan ko ang sarili ko. Malakas na isinara ko ang notebook ko. “Ano ba ‘yan, Celie!”

