Chapter Thirty Eight During the dinner, I was so shy because of Greg’s question earlier. Hindi na nakasagot si Zane sa tanong dahil sumigaw na si Tamara na kakain na. Hindi din niya siguro narinig ang sinabi ni Greg. Tahimik lang akong kumakain. I wasn’t moving too much dahil nga katabi ko si Benjamin. Ayaw ko naman na may masabi siya sa akin. “Here, Celie,” napatingin ako kay Zane nang may inabot na naman siyang crab meat na galing sa crab legs. Inilagay niya iyon sa maliit na plato at inilapit sa akin. “Thank you,” sabi ko sabay ngiti sa kaniya. Napatingin ako kay Samantha. She was looking at me. nang makitang nakatingin ako ay iniwas agad niya ang tingin. Ugh. Here we go again. Mabilis ko nang tinapos ang pagkain ko. Nang ilang subo na lang ang natitira sa kanin

