Chapter Seventy Benjamin’s POV Seeing Celeste enjoying herself while playing at the perya makes my heart warm. Everything about her, it is contagious. Every time I hear her laugh, parang gusto ko na ding tumawa. Kapag ka nakikita ko siyang ngumingiti ay parang gusto ko na ding ngumiti. “Sir, baka matunaw si Ma’am,” Napatingin ako kay Mary na siyang bumulong sa tabi ko. Hindi ako nagsalita at nag-iwas na lang ng tingin. “Ang saya tingnan ni Ma’am Celie, ano po?” aniya habang nakatitig kay Celeste na humihigit ng tali sa nilalaro nila. “Panalo ka na naman ma’am!” sigaw ni Mary kay Celie nang manalo na naman siya. “Hoy! Anong madaya?!” sigaw pabalk ni Celeste. “Sadyang swerte lang ako, ‘no!” paglalaban pa niya. “Andaya na ni Ma’am, ah?” bulong-bulong ni Mary sa t

