Chapter Thirty One It was the last day of our exam. Naitawid ko naman ang lahat ng exams sa lahat ng subjects ko. I only have one exam today. Napagkasunduan din namin ni Jasmine na lumabas pagkatapos ng exams niya. Mauuna kasi ang exam ko ngayon. Mamaya pa’yong kanya kaya kailangan ko siyang hintayin. Nang malapit na ang oras na ng exam ko ay nagdesisyon akong pumunta sa classroom kung saan gaganapin ang exam ko. I was halfway there when someone wrapped his or her hand around my shoulders. I looked up to that person and saw Zane smiling down at me. “Hi, Celie!” bati ni Zane. Umirap ako sa kaniya. “What do you want?” I asked drily. Zane pinched my cheek while we were continuously walking. “Nothing,” he said. “I just missed you. I did not see you yesterday,” he added.

