Chapter Eighty Six Celeste’s POV “Ikaw naman, Ma’am Jasmine,” tawag ni Mang Tasyo kay Jasmine na kakarating lang. Kael had to move para lang makaupo si Jasmine sa tabi ko. “Po?” tanong naman ni Jasmine. Binigyan siya ni Kael ng beer. Kinuha naman iyon ni Jasmine at nagpasalamat. Sinabihan ko din si Kael na kunan ako ng isa pang bote. Tumango naman siya at tinanong si Benjamin kung gusto pa niya ng beer. Tumango nama nang katabi ko. Umalis na si Kael para kumuha ng dalawang beer para sa amin ni Benjamin. “Paano naging kayo noong boyfriend mo?” tanong ni Mang Tasyo. “Si Sir Rely po pala iyong boyfriend niyo?” Mabuti na lang din talaga at dumating si Jasmine. Siya na ngayon ang ginigisa. Kanina kasi, hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko. In the end, I just

