Chapter Fifty Seven Hindi ako agad nakasagot sa tanong ni Mang Tasyo. Napatingin ako kay Benjamin na napatigil din sa pagkain. Nang makitang nakatingin ako ay umayos siya ng upo at napainom ng tubig. “Meron, ma’am, ‘no?” tanong ni Mang Tasyo. Iyon din ang sinabi ng ibang mga personal bodyguards ko. Nakita ko pang nabulunan si Kuya Jun. “O, si Jun, nabulunan,” puna ni Kuya Gerard. “May alam ka siguro, ‘no?” tanong pa ni Kuya Gerard sa kaniya. My eyes widened. Nagkatinginan kami ni Kuya Jun. Umiling agad siya. “Hindi, wala akong alam,” sagot niya. Umismid si Kuya Gerard. “Hmm. Baka si Arman may alam,” ani Kuya Gerard. Parang hindi na ako makahinga nang tumawa si Kuya Arman. “Ay nako, wala din akong alam diyan,” aniya. Nakahinga ako ng maluwag. Magtatanong pa s

