Chapter Ninety Six It’s Friday. Inaya ako ni Zane na lumabas dahil may sasabihin daw siya sa akin. At ngayon nga ay nandito na kami sa isang coffee shop sa loob ng mall. Benjamin was with me. Pero dahil nga I need to talk to Zane alone, nagpasama muna siya kay Kael sa kabilang table. “What is it you want to talk about?” I asked Zane nang makailang minuto na kaming nakaupo sa harap ng isa’t-isa. Nakuha na din naman niya ang order namin pero wala naman siyang sinasabi pa. Hinihintay ko lang siyang magsalita pero nang wala pa din ay nagpasya na lang akong nagtanong. Which is, I think, is effective naman. I took a sip from the frappe he bought for me while waiting for him to say something. Zane looked at me before he sighed. “I did something wrong, Celie,” Zane said. “Wala akong i

