Napabuntong hininga ako habang inaayos ang mga pinggan na nahugasan ko na. Walang tigil din sa pangangatog ang mga kamay ko sa nerbyos sa tuwing may naririnig akong kalabog at kaloslos.
Tatlong araw na ang nakalilipas simula ng mangyari ang hindi ko inaasahang parusa ko sa kamay ni Mr. Yvan, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap. Kahit ilang balde ng tubig ang ipaligo ko ay hindi pa rin mabubura ang mga marka sa katawan ko. Ang mga labi niyang nararamdan ko minuto-minuto na nakakapaghina ng buo kong katawan. Ramdam ko pa rin ang mga kamay niya saan mang bahagi ng katawan ko. Kahit na ipikit ko ang mga mata ko ay naalala ko pa rin ang maala demonyo nitong hitsura. His deadly fang almost kills me, his gold flickering eyes tell so many sins and his way of punishment. A combination of pain and lust that kills you rapidly.
Probably, he is one of Satan's disciples.
Kaya ba pinadala ako rito ng corporation para ipakain sa lalakI ng halimaw na iyon?
Kung 'yon talaga ang balak ng kompanya na iyon. P'wes hahanap ako ng paraan para makatakas sa lugar na ito at sa kamatayan ko. Ilan pa kayang babae ang kanilang pinadala sa lugar na ito para gawing pain sa lalakeng iyon? Siguro ay hindi na mabilang.
Napasinghap ako bago nilagay sa lalagyan ang huling pinggan.
Napatingin ako sa malaking salamin na nasa gilid. Tiningnan ko ang sarili ko. I look like a mess. Lost. And sleepless.
A dark circle under my eyes, pale skin, dry lips.
Sino ba naman ang makakatulog sa kalagayan ko na ito. I'm trapped in this mansion, playing hide and seek with Satan's twin. Kahibla lang ang distansiya namin. Nasa third floor siya samantalang nasa second floor ako. It's really alarming and frightining, na tila ba ay hindi kasiguraduhan ang buhay ko sa bawat minuto na pumapatak sa bahay na 'to.
These past few days, I often sense someone is looking at me from a distance that gave me a s**t in my whole system. Nakakapanindig balahibo. This mansion is freaking blood-curding.
Naisuklay ko ang daliri ko't inayos ang pagkakapusod ng buhok. Inalis ko ang apron ko at tinuyo ang basa kong kamay.
I need to escape. Iyan lang ang naiisip ko na paraan.
Napabuga ako. I know this plan is insane pero kailan pa ako kikilos? Kapag nasa bingit na ng kamatayan ang buhay ko ulit? Kapag nasa leeg ko na ang dalawang matutulis niyang pangil?
Hindi ko na ata kakayanin kung maulit muli ang pangyayari na iyon.
"Oh, hija." Napalingon ako sa tumawag sa akin. A mid 40s voluptuous lady who was wearing a floral apron, with a wide smile plaster on her face, greeted me.
Si nanay Rona. Siya ang kaisa-isang katulong ni Mr. Yvan sa mansion na ito.
I met her yesterday. Hindi ko siya nakilala noong unang araw ko rito dahil umuwi raw ito sa kanila para dalawin ang apo niya.
"Nay Rona," I greeted her.
Bahagya akong yumuko para magbigay galang pero hinila niya ako't niyakap. Napangiwi ako nang matamaan niya ang pasa ko sa bandang braso.
"Kumusta na mga pasa mo?"
Agad niyang tanong nang kumalas ito sa pagkakayakap. Nilislis niya ang sleeves ko at tiningnan ang pasa ko. Medyo nawawala na ang pasa. Salamat sa binigay niyang halamang gamot at mabilis itong naghilom.
"Ikaw kaseng bata ka, bakit hindi ka nag-iingat sa pagbaba ng hagdan?" She said, worriedly.
"Uhm... kase nga po excited akong magtrabaho." I lied and smile at her.
If only I could say na hindi talaga ako nalaglag sa hagdanan at kagagawan iyon ng amo namin. But would she take my reason? Lalo na sa pagkakaalam ko ay mahigit 30 years na siyang nag se-serbisyo sa pamilya na ito.
"Yan kase trabaho ka nang trabaho," pangaral niya pa.
"Aha! Alam ko na!" she snapped in excitement. Pati ako ay nagulat. Mukhang kailangan ko nang sanayin ang sarili ko sa mga pangbubulaga niya.
"Mamasyal na lang tayo sa bayan," saad nito
"P-po?" I asked, nervously.
"Mabuti pa ay sumama ka sa akin mamaya at magsisimula na ang kaarawan ng Alpha." Masaya niyang anunsyo at hinila ako sa sala.
Naikunot ko ang noo ko sa sinabi ni nanay Rona. Hindi agad nagrehestro sa utak ko ang mga sinasabi niya. Anong Alpha? Sino 'yun?
"Pe-pero nanay Rona, may trabaho pa po tayo," paalala ko rito.
Nasanay na kasi ang buo kong katawan na sa oras ng trabaho na hindi ko hinahaluyan ng kung ano pa man, tulad na lang nang pamamasyal.
"Hay naku! Hayaan mo muna yang trabaho, hija at makakapag hintay naman 'yan. At isa pa," napahinto siya sa pagsasalit tsaka lumapit sa akin.
"Marami kang makikilalang na lalake sa sayawan!" Bumingisngis si nanay Rona na nagpatampal-noo sa akin.
Napaisip ako bigla sa sinabi niya na yun. MAKAKATAKAS NA AKO!
Napangisi ako. "Mukhang masaya nga 'yan, nanay Rona."
Napatigil kami sa pag-uusap nang makita namin si Ms. Joanna na pababa ng hagdanan kasama ang isang binatilyong blonde ang buhok.
"What's with the noise?" Nakataas ang isang kilay ni Ms. Joanna habang sinasalubong ang tingin namin.
Dumating sila kanina kasama ang iba pa niyang bisita.
"Magandang gabi po." I greeted them with a bow.
"Bakit hindi mo sinabi na may bago na naman kayong katulong?" Dinig kong sabi ng binatilyo.
Bigla siyang lumapit sa akin kaya bahagya akong napaatras.
Naimulagat ko ang mata ko ng makita kung gaano ito ka gwapo sa malapitan. May matangos na ilong ito, medyo intsik ang mata at may magandang labi. Sa tingin ko rin ay nasa 20s na ito.
"I'm Deigo Sabastian." Pagpapakilala ng binaltilyo bago hinalikan ang likod ng palad ko.
"Stop flirting around, Deigo."
Napatingin kami kay Ms. Joanna ng magtaas ito ng boses, nakatitig siya sa kamay namin. Binawi ko mula sa pagkakahawak niya ang kamay ko't nilagay sa likod. Napayuko ako dahil pakiramdam ko ay pinapaso ako sa mga nititig ni Ms. Joanna.
"What's your name?" tanong ni Sebastian at hindi alintala ang mga matang nakapukol sa amin ni, Ms. Joanna.
"Her name is Precious Jasmine Jewel," si nanay Rona na ang sumagot.
Bahagya akong napakunot noo sa sinabi ni nanay Rona. I hate my first name.
"Precious. How lovely," he said with a smirk.
I mentally rolled my eyes sa pagpapakyut niya sa harapan ko.
"Thank you for the compliment, Mr. Sebastian, but, please call me Jas instead," magalang kong sabi bago yumuko sa kaniya. Ngumiti ako sa kaniya.
"If you don't need anything, babalik na po ako sa trabaho," sabi ko rito sa magalang na tuno saka hinawakan ang walis tambo, pero pinigilan ako ni nanay Rona.
Mahina itong tumawa bago bumalik ang tingin kay Ms. Joanna. "I like her already." Mr. Sebastian grins.
Hindi ko alam kung natutupad pa ba nila ang palatuntunan na sinabi ni Ms Joanna na walang mag-iingay sa loob ng mansion. Sila nanay Rona lang ata ang kilala kong hindi takot sa mga pagbabanta ni Ms. Joanna.
Hindi siya pinansin ni Ms. Joanna bagkus ay tiningnan niya si nanay Rona na may seryosong emosyon.
"Joanna, yayain ko kaseng lumabas si Jas mamaya." Nanay Rona started. Nanatili akong tahimik.
"No." Tipid na tugon ni Ms. Joanna.
"Pero -" Nanay Rona trying to add her words pero napalingon kaming lahat ng magsalita ulit si Sebastian.
"Oo nga naman Joanna. I bet Van will say yes too," Sebastian cut with a cool accent and laughed.
See? They are rule-breakers.
"And, for a pretty girl like her, I'm sure she's the one for him." Baling ni Sebastian sa akin habang may malokong ngiti. Napairap ako ng palihim.
Van? Sino naman 'yon?
Napabuga si Ms. Joanna bago sumang-ayon. "Ok, but promise me, wala kang gagawing kahibangan."
She warned me, but Nanay Rona reassured. "Ako na ang bahala sa kaniya, sagot ko siya."
Bago pa man siya makalabas ng mansion kasama si Sebastian ay ibinaling niya ang atensyon niya sa akin.
"Before I forget, you'll be attending school at the same university as Mr. Yvan," she informs me.
Napahinto ako sa paglilinis sa sinabi na iyon ni Miss. Joanna. Agad kumapit ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang kakalabasan kapag pinagsama kami sa isang university. Baka ay hindi ko na mahawakan ang buhay ko kapag magkataon, kaya mas mabuting makatakas na 'ko ngayong araw na ito.
"We prepared your enrollment form and requirements. Maari ka nang makapasok bukas sa university. May susundo at hahatid sa iyo mula ala saes at susundyin ka naman sa hating gabi."
Bukas? The corporation was really planning to trap me in this place. Tuluyan nang umalis sila Miss Joanna. Tinapos na rin namin ang gawain namin sa mansion.
Pagpatak ng alas singko ay tumulak na ako sa kwarto ko para magpahinga. Mamayang alas shete pa kami pupunta sa bayan. Tumihaya ako sa malambot na kama at napatitig sa kisame.
I let my body comfy in that position for a second before I change. Unti-unti ay bumigat ang talukap ko. Pumikit na muna ako at pinakinggan ang buong paligid hanggang tuluyan na nga akong nakatulog.
Naramdaman ko ang malakas na pag-ihip ng hangin kasabay ang paghaplos ng kung sino man sa aking mukha.
I groan.
"Tu es toujours jolie même si tu dors." A deep voice said. (you are still pretty even if you sleep.)
Napabangon ako nang narinig ulit ang boses na iyon. Agad na lumukob ang kaba sa buo kong sistema at napayakap na lang ako sa sarili ko.
Agad kong nilibot ang paningin ko. But, I saw the same empty room. Winawagayway ng hangin ang puting kurtina sa balkonahe. Napansin kong nakaawang ang pinto rito na siyang pinagtataka ko. Sa pagkakaalala ko ay sinarado ko ito.
Tumayo ako para sana isarado ang nakabukas na pinto ng mapansin ko ang kahon malapit sa mesa ko. Pinusod ko ang buhok ko at nilapitan iyon. Nalaglag ang tingin ko sa laman nito nang buksan ko. Tumambad sa akin ang magandang puting damit. Maingat ko itong hinawakan at agad na sunukat.
Saktong-sakto ang sukat. Though the dress is plain, but it's really elegant. It has a lace and knee-length dress.
Tiningnan ko ang sarili ko. Tinanggal ko ang tali ko sa buhok at hinayaan itong bumagsak sa balikat ko.
I have black wavy hair that fits my dress. Napahawak ulit ako sa kurba ng damit ko.
Nakakapagtaka at sukat na sukat ang damit na 'to sa akin. Hindi kaya ay nagkataon lang?
Napatingin ako sa box na lalagyan nito. Naka address naman sa akin ang damit na 'to pero wala akong nakita kung kanino galing.
Sino naman kaya ang nag-iwan ng damit na ito rito?
Agad na pumasok sa isip ko na baka si nanay Rona ang nag-iwan at sa kaniya galing ang magandang damit na 'to.
Napalingon ako sa balkonahe ko ng biglang umihip ng malakas ang hangin. I step back, my heart skips and I can feel the uneasiness in breathing. All my system started to drum as his gold-luster eyes met mine. Nagsimula nang mangatog ang mga tuhod ko't nagsitayuan ang balahibo ko.
Napakapit ako sa malapit na bagay nang mawalan ako ng balanse at napaupo sa sahig.
I close my eyes and hope that I am just hallucinating or paranoid or whatever. I started to count. Ramdam ko ang bawat panginginig ng laman ko. All of a sudden, Yvan's punishment started to flash. Naramdaman ko ulit ang haplos nito, ang bawat labi niyang nag-iwan ng marka at ang matulis nitong pangil.
Pakiusap tama na!
"7...8...9...10."
Pagmulat ko ng mata ay wala akong nakita sa labas ng balkonahe. Wala na doon ang nakita kong mga mata na nakatitig sa akin. Just a dark atmosphere. No silhouette. No golden flickering eyes.
I immediately closed the door. Bumalik ulit ako sa salamin para tingnan ang aking sarili.
Namumutla at halos wala na akong nababakas na dugong nagpapakulay sa buo kong balat.
Inayos ko ang sarili ko. I try to calm myself.
"Stop shitting yourself Jas," pangaral ko sa sarili ko.
Nang huminto na sa pangangatog at panglalambot ang buo kong katawan ay nakaramdam ako ng kaginhawaan. I exhaled and tried to get back my sane. Maaring dulot lang ito ng puyat kaya kung ano na lang ang nakikita ko. Nilingon ko ulit ang balkonahe ko at napapikit ako nang mariin.
"Stop being paranoid, Jasmine!" Bulong ko sa sarili ko.
Napapikit ako nang bigla na lang akong nasugatan. Nakagat ko ang labi ko nang madumihan ng dugo ko ang puting damit na suot ko.
Napalingon ako ng may kumatok sa pinto, agad na niluwa doon si nanay Rona na naka dress na hanggang talampakan ang haba. May dala itong maliit na wallet at mukhang handa na sa pamamasyal.
Napangiti ako sa kaniya at agad na binati siya. Pinuri niya pa ako sa magandang damit na suot ko. Napansin niya ata ang namumutla kong mukha pero inunahan ko na siya.
"Maraming salamat pala sa damit na binigay mo nanay Rona." I give her a sweet smile, agad namang dumaan sa mukha niya ang pagtataka.
"A-anong damit?" tanong niya.
"Ang da-damit po na suot ko." Agad namang nanlaki ang mga mata niya nang mapansin ang damit kong suot. She tapped her mouth.
"Hubarin mo 'yan, hija."
Kumunot ang noo ko sa ipinakita ni nanay Rona. Takot na takot ito habang nanginginig ang labi.
"Ba-bakit po?" Tanong ko rito nang mahubad ko na ang damit ko.
Napapikit lang si nanay Rona habang nakaluhod. Pinaglapit niya rin ang mga palad niya habang may binubulong. Nang matapos na ito ay agad ko siyang tinanong.
"A-ano po ba ang d-damit na iyon, nanay Rona?"
" S-saan mo nakuha ang damit na iyan, hija?"
"Dito lang po. Iniwan lang po dito sa mesa ko." Paliwanag ko sa kaniya.
"H-hindi mo ba alam ang damit na iyan? W-wala ka bang idea kung ano ang damit na isinuot mo?" Napailing ako.
" T-that dress is a curse! L-lahat nang babaeng magsusuot nang damit na iyan ay mamamatay."
Tila tinambol ang dibdib ko't nabingi ako sa sinabi na iyon ni nanay Rona.
"Mabuti na lang ay hindi ka nag-iwan ng dugo sa damit na iyon, hija."
Napahinto ako sa sinabi niya. Naikuyom ko ang kamay ko kung saan nasugatan ang daliri ko kanina. Hindi pa rin kaya ng isip ko na iproseso ang sinabi niya. Napansin din ata ni nanay Rona na hindi ako kumikibo kaya hinawakan niya ang kamay ko.
"Huwag kang mag-alala, hindi ako makakapayag na mangyari sa'yo iyon." Hindi ko alam pero bigla na lang may humaplos sa puso ko at nahanap ang kapayapaan nito. Nakikita ko sa kaniya ang pag-aalala ng isang ina at pagpoprotekta sa kaniya anak. Kapag kuwan ay biglang pumasok sa isip ko ang ina ko.
Napasilip ako muli sa salamin nang ayusan ako ni nanay Rona, siya na rin ang nagpili ng damit na susuotin ko. Nakatali ang buhok ko into a ponytail at nilagyan niya rin ng kunting kolorete ang mukha ko.
"Huwag kang mag-aalala, hija. Walang mangyayari sa iyo." She gives me a smile that gives me hope.