Kinaumagahan puro daing nila ang narinig ko pagkagising ko palang. Ngayon, mararanasan nila ang resulta ng sobrang kalasingan nila. Hang-over. "Nakakainis ang sakit ng ulo!" "Kung makaarte 'to akala mo hindi mo pa nararanasan." "Mas masakit kaya ngayon." Napangiti ako. Sumandal ako sa pader malapit sa kusina at pinagmasdan sila. Ang saya lang nilang tignan, magulo ang buhok at iritable ang mukha. Simple lang hindi 'yung mga lalaking kinahuhumalingan ng mga kababaihan. "Oh hija, gising ka na pala. Kain na." Sabay-sabay silang napabaling ang tingin sa 'kin. Inayos ko ang eye glasses ko at patay malisyang lumapit na sa kanila. "Kain ka na Miss Astig. Ang ganda mo pala talaga kapag bagong gising." Ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko. Hindi talaga ako sanay na may nagsasabing maganda

