Clint POV "f**k! dalawang araw na siyang wala!" Hindi ko mapigilan ang pagsigaw ko. Mababaliw na ako sa pag-aalala kung nasaan ba siya. "Kumalma ka nga! Hindi lang ikaw ang nag-aalala." Pabagsak akong umupo sa sofa habang busy si Red sa pagtrack sa kanya. Maganda sana kung may phone number siya sa 'min o kahit address man lang. "Rewind it." Napatuwid sa pagkakaupo si Red habang nakatingin sa laptop. "Did you see something?" Tanong ni Greiy at lumapit narin. "Dwight, check the CCTV footage at the back of the University." "Copy." Agad siyang nagtipa sa laptop. These two specialty is into hacking and computers. Kaya sila na ang naghahanap. Monday and Tuesday siya hindi pumasok. Hindi muna kami nag-alala nung una pero nung sumunod na araw wala na naman siya, dun na kami nakaramdam

