"Anong nangyari bakit absent ka kahapon?" Salubong sa 'kin ni Greiy pagkapasok ko pa lang sa gate. Mabuti nalang at medyo hindi halata ang mga pasa ko sa mukha, tumalab ang concealer. Sa likod at tiyan kasi ako napuruhan. "Wala nagkahimalang nilagnat ako." Baliwalang sagot ko at pilit hindi pinahalatang nagsisinungaling ako. Kilalang-kilala pa naman ako ng lalaking 'to. "Nilagnat? Imposible kahit kailan hindi ka naman ganun kabilis tamaaan ng sakit lalo na ang lagnat." "Nagkaroon nga ng himala eh. Tao rin naman ako 'no at tinatamaan din ng sakit." "Oo na mukhang mas maganda talaga sa Green Island kaysa rito, hindi ka nagkakasakit doon. Eh dito, tinatamaan ka ng sakit." Umirap ako at binilisan nalang ang paglalakad baka mamaya tuluyan pang malaman ng lalaking 'to na nagsisinungaling

