Napakuyom ako sa kamao tuwing may tumatamang suntok sa kanila. Anong pumasok kasi sa utak nila at naisipan nilang maging ganito. Kung magaling sila, nakikita ko namang may binatbat ang kalaban nila. Kitang-kita kong pagod na sila pero tuloy parin. Lalong lumalakas ang sigawan. Ginawa pa nga talagang pustahan ang labanang ito. Nanlaki ang mata ko nang makita kong may hawak na balisong ang isa sa kalaban nila. Tingin ko, bawal 'yun eh. Wala kasi akong makitang mga hawak nilang armas. Napapikit ako ng sasaksakin niya sana sa likod si Dwight pero agad na sinangga ito ni Zero. Nanlumo ako sa nakita, kitang-kita ko ang pagpikit ni Zero na parang nagpapanggap na wala lang. Sinuntok at sinipa nila Red at Dwight ang lalaki. Habang dinaluhan naman ni Clint si Zero. Wala akong kwenta. I'm his bodyg

