Clint POV "Ano kayang ginagawa ni Miss Astig ngayon?" Wala sa sariling tanong ko. Nami-miss ko na siya. "Itanong mo sa diyan sa pusa mo, baka sakaling sagutin ka." Inis kong binato ng unan si Dwight pero sayang naiwasan niya pa. Palagi na lang niyang napapansin si Black. Nandito kami sa condo ni Red para mag-practice pero tinatamad talaga ako. Binasa ko lang 'yung lyrics ng kanta saka nakikinig naman ako sa pagkanta nila kaya makakasunod naman siguro ako. "Do you like my slave?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Zero. "Huh? Syempre, bakit kayo hindi ba?" tanong ko. Napangisi naman siya. "Tsk, Z dapat tinanong mo siya noong normal siya. Ngayon mukhang tinamaan na naman siya ng I.S.S niya." Kumunot ang noo ko. Ano na namang pinagsasabi ng playboy na 'to? "I.S.S?" Halos sabay namang tan

