Pagod akong napahiga sa kama. Grabe naman kasi ang lalaking 'yun. Pinalinis lahat sakin. Natawa nalang ako nang maalala ang mukha niya pagkatapos kong suntukin. Sobrang priceless, ito na ang pangalawang beses kong sinuntok siya at gaya ng una nakagagaan ng loob. Sanay kasi siya sa buhay prinsipe, na lahat ng gusto niya napapasakanya at lahat ng tao takot sa kanya. Tsk, at saka hindi naman ako katulad ng mga fans niya na sobrang nahuhumaling sa kanya lalo na ang mga babae. Siguro pagsila ang nasa katayuan ko bilang slave kuno ng lalaking 'yun. Masayang-masaya pa sila. That's how the world now. "Miss Rain, andito po ba kayo?" Napabangon ako nang may kumatok. "Opo, bukas po yan." Inayos ko muna ang sarili ko. "Miss Rain, pinapapunta po kayo ni Butler George sa library. May pag-uusapan

