Chapter 6

1939 Words
Bakit nangyayari ito? Ang dami-dami namang classroom dito. Pero bakit naging classmate ko pa sila. Kainis! Pasimple kong kinuha ang bag ko para iharang sa mukha ko. Sana maglaho na lang ako na parang bula o 'di kaya lamunin ako ng lupa. 'Yan ang resulta ng pagsuway mo sa rules ni Master' sigaw ng isip ko. Sisihin ko man ang sarili ko ngayon wala ring mangyayari, tapos na. Mga hindi basta-bastang tao pa naman itong mga nabangga ko. "Who is she?" Narinig kong tanong noong isa. Sana. Sana. Hindi ako makilala. "Ow! I know her!" Nanlaki ang mata ko nang hablutin ‘nong isang lalaki ang bag ko. Wala na talaga. Nakangiti ito sa akin. Kinakabahang ngumiti ako sa kanila. Yung isa tila walang pakialam sa paligid at ‘yung huling lalaking pumasok ang mas malala, sobrang sama ng tingin niya sa akin. "She's the girl who meddle herself to the punishment." Sayang gwapo sana, pero ang sama ng ugali. Sino namang tao ang baliw na hahayaang mamatay ang isang babaeng walang kalaban-laban dahil sa natapunan lang ng juice ang damit. Siya lang! Kahit gaano pa kamahal ang damit niya hindi rason ‘yun para gawin nila sa babae ‘yung kanina. "Oo nga! ‘Yung babaeng bumalibag sayo Dwight!" Nakangiting sigaw pa noong isa sabay turo sa katabi ko. Napamura nalang ako sa isip ko. Siya pala ‘yun. Kaya pala may pasa siya. Nanlaki ang mata ko nang marahas na hinawakan ng lalaking ang sama ng tingin sa akin ang panga ko. Kita ko ang galit niya. "Remember this, you will gonna regret what you've done." Parang tumigil ang t***k ng puso ko. Grabe! Sobrang nakaka-intimidated ng mga mata niya. Napahinga lang ako nang malalim nang umalis na siya sa harap ko. Akala ko katapusan ko na. Pero teka lang binantaan niya ba ako? Ang kapal ng mukha! Napakuyom ako sa kamao. "Hi ulit! What's your name again?" Napalingon ako sa tabi ko. Nandito pa rin pala siya. Pilit akong ngumiti. "Rain Hailey Park, sorry pala sa ginawa ko kanina." "It's okay babe and keep safe!" Tumayo na ito at lumipat sa likod. Kung saan nakaupo ang mga kasama niya. Ang malas namang first day 'to! Pumasok na rin ang teacher namin. Nakinig na lang ako para madistract ang utak ko sa kakaisip sa mga pwedeng mangyari. Mabilis lang naman natapos ang klase ko. Wala namang masamang nangyari sa akin. Wala namang ginawa ang mga studyante sa akin. Tanging mga nakakamatay lang na tingin ang pinupukol nila. Papunta ako ngayon sa clinic para kunin ang sombrero ko. Importante kasi 'yun sa akin. Regalo 'yun ni Greiy noong birthday ko. "Oh, nandito ka ulit," nakangiting salubong sa akin noong nurse. "Kukunin ko lang po ‘yung sombrero ko. Naiwan ko dito kanina." "Ah, oo nga buti naalala mo. Teka kukunin ko lang." Tinignan ko ‘yung kwartong pinagdalhan ko sa babae kanina pero wala na. Mukhang nakauwi na siya. "Okay na siya. Sinundo siya ng mga magulang niya kanina." Lumingon ako sa likod ko. Mabuti nalang wala akong sakit sa puso. Bigla-bigla kasing sumusulpot itong weird na nurse na 'to. "Mabuti naman po kung ganun."  "Oh ito, mukhang importante talaga ito sayo. Binalikan mo pa," ngumiti ako. "Salamat po, regalo po kasi yan ng kaibigan ko." Kinuha ko na saka ako nagmamadaling umalis. Baka kanina pa naghihintay 'yung susundo sa akin. Sinabi ko kasing sa may unang kalye nila ako sunduin para walang makakita sa akin. Gusto ko kasing low profile lang ako dahil ‘yun naman talaga ako. Isa-suggest ko nga mamaya kay C.H na hindi na ako magpapasundo, magko-commute nalang ako. "Miss Rain, sakay na." "Opo." Hindi ko namalayang nasa harap na pala ako ng kotse. Buti nalang talaga at hindi pa sa akin ipinasundan 'yung apo niya kundi dagdag problema na naman. FLASHBACK "Rain, keep safe okay." "Opo C.H," ngumiti ako saka inayos ang salamin ko. Nang bigla kong naalala 'yung apo ni chairman. Hindi ko pa pala alam ang pangalan at mukha niya paano ko siya makikilala? "Ah, teka po!" Pasakay na kasi siya sa kotse. "Bakit Rain?" "Paano ko pala makikilala ‘yung apo niyo. Hindi ko po alam ang pangalan niya." Napayuko ako at nilalaro ang daliri ko. Nahihiya ako eh. "It's okay, naisip kong first day mo palang ngayon so you must tour yourself in the University and enjoy. Don't worry about my grandson." "Thank you po." END OF FLASHBACK Sino kaya 'yung apo ni Chairman? Pagdating ko sa mansion agad na akong sinalubong ng mga katulong. Anak ng! Grabe tinuturing talaga nila akong amo nila. "Welcome back Miss Rain!" Sabay-sabay pa silang nagbow sa harap ko.  "Naku! huwag na po!" Nakakahiya naman ito. Kinuha ko ang gamit ko at inilayo sa kanila. "Pero Miss—" "Kaya ko na po ito at saka hindi niyo po kailangang gawin ito sa akin." "Miss Rain, kailangan naming gawin ‘yun kahit ayaw niyo dahil bisita po kayo dito. Malilintikan po kami kay Chairman Han kapag hindi kami sumunod. Kaya sana maintindihan niyo po." Wala narin akong nagawa kundi ibigay ang mga gamit ko. Umakyat na ako sa taas. Inaantok ako, parang naubos lahat ng energy ko ngayong araw. "Thanks!" Sabi ko sabay kuha ko sa gamit ko. "Teka po Ms. Rain." "Bakit?" tanong ko. May iniabot naman siyang kahon sa akin. "Mawawala po kasi si Chairman Han ng isang buwan. May iniwan po siya para sa inyo." "Okay, salamat ulit." Ano kayang laman nito? Umupo muna ako sa kama saka ko binuksan. Nanlaki ang mata ko. Cellphone at isang litrato ang laman ng box. Pero ang taong nasa litrato ang talagang gumulat sa akin. Bakit siya pa? Binasa ko ang nakaipit na note. "Hi Rain this is my grandson 'Zero' I hope you secure his safety. Use the cellphone I gave you to contact me if there's something important that you want to tell me and if you need something just ask Butler George." Parang lalong sumakit ang ulo ko. Yung lalaking sobrang sama ng ugali pa ang naging apo niya. Humiga nalang ako sa kama. Master, bakit nilalapitan yata ako ng kamalasan ngayon? Kaya ko ito Rain! Pagsubok lang ito. Kinabukasan, maaga akong gumising. Dalawang araw naring nababakante ang katawan ko sa training at saka kailangan ko pang parusahan ang sarili ko sa naging kasalanan ko kay Master. Hindi pa sapat 'yung hindi ko pagkain kagabi. Tiniis ko talaga ang gutom ko. Katok nang katok nga kagabi 'yung mga  katulong pero sinabi ko nalang na hindi ako gutom. Tinignan ko ang oras 4:00 tamang-tama lang. 7:30 naman ang simula ng klase ko. Jogging- 30 minutes Push up- 1 hour Sword training-30 minutes Nagsuot nalang ako ng hood saka ako tumalon sa bintana. Siguradong kung sa main gate ako dadaan maiistorbo pa 'yung mga maid at baka hindi pa ako payagang lumabas. Lumingon-lingon muna ako sa paligid ko. May mga gising naring mga iilang maid at butler. Buti nalang talaga at medyo malayo sa akin ang direksyon ng CCTV. Inakyat ko ang pader sa back door para mabilis akong makalabas. Success! Agad akong tumakbo pagkabagsak ko. Madilim pa ang paligid at iilan palang ang mga taong naglalakad. Takbo lang ako nang takbo. Nakalimang rounds narin ako sa pagja-jogging. Umupo muna ako sa sobrang pagod. Makapaghanap nga mamaya nang malapit na tindahan. Nauuhaw kasi ako. Pumasok ako sa isang mini mall. Bumili lang ako ng tatlong mineral water. Tinignan ko ang oras, 4:30am na kailangan ko nang bumalik. May push-up training pa ako. Tumakbo ako ulit, napatigil lang ako nang may biglang grupo ng kalalakihang humarang sa daraanan ko. "Nagmamadali ako kaya kung pwede umalis kayo sa daraanan ko." Seryosong sabi ko sa kanila. Parang wala naman silang narinig at humalakhak pa. "Miss, huwag ka masyadong hot gusto lang naming makipagkilala sayo." "Wala akong balak na makilala kayo kaya kung pwede paraanin niyo na ako." "Boom panes ka brad!" Kantyaw naman ‘nong isa. "Ang yabang mong babae ka huh!" Lumapit na siya sa akin. Mga addict yata itong mga 'to. Ang baho pa ng hininga. "Lumayo ka nga sakin! Ang bad breath mo kuya!" Nanlisik naman ang mata niya sa akin. "Turuan niyo nga ng leksyon ang babaeng 'to." Utos niya sa mga kasama niya. Agad naman silang nagsilapit sa akin. Hinanda ko nalang ang sarili ko. Hay! Ayaw ko na ngang suwayin ang rules ni Master pero bakit lumalapit naman ang gulo sa akin. Hindi nalang kaya ako lumaban, para iwas kasalanan. Napapikit nalang ako nang may susuntok sa akin. Bahala na malakas naman ang katawan ko, magtatagal naman siguro pagbinugbog. Napamulat ako, wala naman kasing dumapong suntok sa mukha ko. Only to find out may isang lalaking sumangga rito. Pinanood ko lang siya habang nakikipaglaban. Masasabi kong magaling nga siya. Pulido ang kilos, siguradong dumaan din siya sa matinding pag-eensayo katulad namin ni Greiy. "Are you okay?" Nabalik lang ako sa ulirat nang itanong niya sa akin 'yun. Hindi ko namalayang nasa harap ko na siya. Hindi ko makita nang malinaw ang mukha niya dahil madilim at nakalimutan ko pang isuot ang eye glasses ko. "Oo, salamat." Tumango ito at basta nalamang naglakad palayo. "Teka! Anong pangalan mo?" Hindi na ito sumagot at tumakbo na nang mabilis. Ang suplado naman, pilit kong tinitigan ang suot niyang jacket na may nakasulat na. Tenshiuirien Napailing nalang ako, hindi ko naman maintindihan. "47! 48! 49! 50!" Napaupo ako ang sakit ng katawan ko. Mabuti nalang wala ulit nakapansin sa akin kaninang bumalik ako. Pinagpatuloy ko ulit ang pagpush-up ko. Mukhang hindi ko na iaabot sa isang oras. Nadelay kasi ako sa pag-uwi kasalanan ng mga lalaking ‘yun. Tinignan ko ang oras 5:30 na. Nagpahinga muna ako nang konti saka ko kinuha ang katana ko. Nakakamiss din itong hawakan. Nagsimula na akong mag-ensayo. Buti nalang sound proof itong kwarto ko. "Hiyak! Hiyak! Hiek!" Sigaw ko. Pumasok sa isip ko si Master. Tuwing umaga kasi sa Green Island. Naglalaban kami gamit ang katana. Hindi ko alam kung ilang beses kong nabitawan ang katana ko at nagkasugat ako. Pero tiniis ko lahat dahil gusto kong maging kasing galing niya. Gusto kong maging isa rin sa mga Master sa Green Island. Pagkatapos kong mag-ensayo naligo na ako. Baka malate pa ako sa klase. Habang naglalakad ako papasok, napansin ko ang kakaibang tingin ng mga studyante sa akin. Parang may mali. At tama nga ang hinala ko. Naramdaman ko na lang kasi ang pagkabasa ko. Tumingala ako sa taas ko. Tatlong babae ang nandun na halatang sila ang bumuhos sa akin. s**t! Ang lamig may yelo yatang nilagay doon. "Oh my! Sorry nadulas kasi sa kamay ko." "Haha poor girl." "Serves you right." Kinuyom ko lang ang kamao ko saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Tiisin mo lang Rain! Bawat madaanan kong studyante pinagbabato ako ng kung ano-ano. Hindi ako umiwas. Masaya nga 'to eh parang ako na yung bida ng mga korean dramas na inaapi. "Nasan na ‘yung tapang mo!" "Lumaban ka!" "Mahina ka pala eh!" Pinigilan ko lang ang pagtawa ko. Nakakatawa sila, ako? Mahina? Unang beses kong marinig 'yun ah. Parang sinadya nila akong mapunta sa quadrangle para siguro mapanood lahat ng studyante ang gagawin nila sa akin. Such an immature act, kitang-kita ko ang apat na lalaking nanonood. Nasa 3rd floor sila. Sayang ang kagwapuhan nila. Mga nagmula naman sa impyerno. Bagay na bagay talaga ang pangalan nila na F.G.H. The Four Guys from Hell. "Hahahaha." Natawa na ako ng tuluyan. Akala siguro nila mapapasuko nila ako sa ganitong paraan. No way! Highway! Kukuha ako nang maraming tubig at papatayin ko ang apoy na nakapaligid sa mga lalaking ‘yun. That's my 3rd goal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD