CHAPTER 13: Am I In Love?

2313 Words
Pagkauwi sa kaniyang apartment, halos hindi makatulog si Jiho. Kaela kept on running on his head. This thought was involuntary entering his mind, and made him very upset. Halos nagpagulong- gulong na siya sa kaniyang kama, ngunit hindi talaga siya dinadalaw ng kaniyang antok. Nagkagulo na rin ang kaniyang bedsheet at punda ng kaniyang mga unan dahil animo’y bulate siya na sinabuyan ng asin sa sobrang likot. May gusto ako kay Kaela? Jiho’s thought screamed in extreme curiosity. He kept on question himself why he ended up liking her. It was also very questionable for they did not interact that much. He only met her just a couple of days ago, and now his heart starts to beat for her name. Kaela was not his type. He could not see Kaela as a grown woman whom he will devote his life with until the ages come. For Jiho, she was not that appealing but he could not ignore the fact that Kaela was a very stunning woman. Her eyes were dazzling like a shooting star. Her pointed nose really compliments on her face and his perfect jaw line. Her chestnut- colored hair made her like very glamorous. And especially, her voluptuous body made her very attractive. Jiho paid no attention with these attributes manifested in her because he did not want to let her beauty blind him with love. Nagising na lamang si Jiho nang marinig niya ang alarm niyang binubulabog siya sa kaniyang mahimbing na pagkatulog. Agad siyang tumayo at saka naghanda papunta sa kaniyang trabaho.   He was walking down their street, and suddenly he bumped into Aling Emily who is currently buying ingredients for corndog she was going to sell later. “Oh Jiho, taga- rito ka pala?” pambungad na sambit ni Aling Emily nang makasalubong niya sa daan si Jiho. Napangiti naman si Jiho nang kaniyang makita si Aling Emily, at saka bumati rin ito sa kaniya. “Aling Emily, dito ho pala kayo namamalengke?” tanong pa ni Jiho. “Oo, mas mura kasi ang mga bilihin dito kaysa sa palengke malapit sa amin. At saka mas sariwa ang mga ititinda rito,” tugon naman ni Aling Emily sa kaniya. Iniabot ni Aling Emily ang kaniyang bayad sa tinderong kaniyang pinagbibilhan ng hotdog. Nag- voluteer si Jiho na siya na ang maghahawak ng mga pinamili ni Aling Emily dahil mukhang may kabigatan ito. “Ay hindi na Jiho, kaya ko na ito dalhin,” pagtanggi pa ni Aling Emily. “Ayos lang po Aling Emily. Mukhang mabigat po kasi ‘yan eh,” sagot naman ni Jiho. “Totoo ba?” paglilinaw na tanong pa ni Aling Emily. Tumango si Jiho sa kaniya at saka kinuha na ang mga plastic na dala ni Aling Emily. “Baka mahuli ka na sa trabaho mo Jiho,” nag- aalalang sabi ni Aling Emily. “Hindi, maaga pa naman po at saka ayos lang po iyon kasi may hinawakan po akong kaso kahapon kaya maiintindihan po ako ng boss ko,” Jiho confidently answered. “Ay oo nga pala, nakwento ka nga pala sa akin ni Kaela kagabi,” ani Aling Emily. “Po? Tungkol saan po?” Jiho curiously asked. “Diyan, tungkol sa kasong hinawakan mo kahapon. Nanood daw kasi siya eh,” nakangiting sambit ni Aling Emily. Kumalabog naman nang malakas ang dibdib ni Jiho nang kaniya itong marinig. Mas lalo ring bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso nang marinig niya ang ngalan ni Kaela, lalo na ang sinabi ni Aling Emily na nakwento siya sa kaniya. “Ano naman po ang sabi niya?” tanong ni Jiho nang nakakunot ang noo. “Sabi niya, sobrang galing mo raw kahapon sa korte. Sa lahat daw ng prosecutor na kaniyang napanood, ikaw daw ang pinakamagaling,” sagot ni Aling Emily. Napatulala naman si Jiho sa kaniyang kinatatayuan. He did not expect Kaela would appreciate him. He thought she will not commend his performance on the courtroom, because only Hendrix was the one he praised yesterday when they were eating samgyupsal after the trial. “Talaga po ba?” pagtataka pang muli ni Jiho na halos hindi paniwalaan si Aling Emily. “Oo. Bukambibig ka nga no’n kagabi kasi hangang hanga raw siya sayo. Inaaya pa nga niya ako manood kapag may susunod ka raw na trial para makita ko raw nang harapan,” dagdag pa ni Aling Emily. Hindi na nakapagsalita pa si Jiho. Tila ba natikom ang kaniyang bibig. He is trying to process this idea because for him, it felt surreal.   While they are talking, there was a man riding a bicycle and suddenly hit Jiho. Nahulog sa lupa ang mga dala niyang ipinamili ni Aling Emily at saka natauhan din siya nang siya ay mahagip nito. Bahagya ring namantsahan ng ketchup ang puting polo ni Jiho, subalit ang lalaking nakahagip sa kaniya ay hindi man lang siya tinulungan at nagpadire- diretso sa kaniyang pagbibisikleta. “Hala Aling Emily, sorry po,” sambit ni Jiho nang mahulog ang mga pinamili ni Aling Emily sa lupa. Agad siyang lumuhod at saka isa- isang pinulot ang mga ito. Tumulong din naman kaagad si Aling Emily sa pagpulot ng mga ito. “Loko ‘yong lalaking ‘yon ah,” inis na bigkas ni Aling Emily habang nagpupulot. “Jiho, may mantsa ang damit mo,” sabi ni Aling Emily nang mapansin niya ang hugis- baryang mantsa sa puting polo ni Jiho. Tinignan naman agad ito ni Jiho at saka pinunasan gamit ang dala niyang panyo. “Ayos lang po ‘yan, Aling Emily,” he replied while wiping the stain out of his neat polo. “Wala po bang nasira sa mga pinamili niyo, Aling Emily?” pag- aalala pa ni Jiho habang patuloy sa kaniyang pagpupunas. “Wala naman, kaso ikaw, pupunta ka sa trabaho mo tapos marumi na ang suot mo,” Aling Emily concerned. “Ayos lang po iyon. Huwag niyo na pong alalahanin,” he replied. “Pauwi na po ba kayo? Ihahatid ko na po kayo sa sakayan,” pagpapatuloy pa niya. “Salamat talaga Jiho ah,” nakangiting tugon ni Aling Emily. Dumiretso na silang dalawa patungo sa terminal ng bus, at inalalayan siya ni Jiho sa pagsakay niya ng bus.     “Yeri, paano ko malalaman kapag gusto ko ang isang tao?” mariing tanong ni Kaela sa kaniyang kaibigan habang si Yeri ay busy sa pagtatype ng thesis nito sa kaniyang laptop. Panggulo lamang si Kaela sa paggawa niya ng thesis dahil ang kaniya ay malapit nang matapos. She invited her friend because her mind was very messed up too. Hindi niya alam kung ano na ang kaniyang nararamdaman. She was unaware of her own feelings. “Abay ewan ko bakit ako ang tinatanong mo,” Yeri answered while she was seriously typing on her laptop. She did not even batted an eye on her because she was determined to finish it within the day. They are currently on Starbucks because this is one of the quietest places where Yeri could finish her thesis, at the same time, the place where they could fill they stomach craving for a cup of coffee. “Siyempre, ikaw ang maraming experience sa mga ganito kaya sino pa ba tatanungin ko ‘di ba,” Kaela said then rolled her eyes and sipped on her coffee. “Alam mo Kae, malalaman mong gusto mo ang tao kapag siya lagi ang nasa isip mo. Kapag bumibilis ang t***k ng puso mo kapag kasama siya gano’n.” Muling nagpatuloy sa kaniyang pagdutdot sa laptop si Yeri matapos sagutin ang tanong ni Kaela. Saglit namang napaisip si Kaela nang marinig ang sagot ni Yeri. “Teka nga lang, may nagugustuhan ka ba?” Yeri investigated. Dito lamang niya tuluyang itinuon ang buong pansin niya kay Kaela. Pansamantalang itiniklop ang kaniyang laptop at saka tumingin kay Kaela. Isinandal niya ang kaniyang ulo sa kanyang kamay at nagpokus kay Kaela. “Actually, hindi ko alam. I was very confused sa feelings ko. Parang infatuation lang siya siguro, pero hindi ko sure,” ani naman ni Kaela. “Bakit anong meron ba?” pagtatanong pa ni Yeri. “Wala, kahit hindi ko siyaa isipin, bigla na lang siya pumapasok sa utak ko. May mga times na hindi ako pinapatulog ng thought na ‘yon. At minsan napapansin ko na lang, nakatambay na ako sa social medi accounts niya at ini- stalk siya.” “Hala beh, baka obsession na ‘yan!” pag- aalala pa ng kaniyang kaibigan. “Gaga, nasa matinong pag- iisip pa naman ako ‘no. Hindi ako obsess sa kaniya, siguro kaya lang ako nagkakaganito kasi ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito. Huli akong na- in love eh noong bata pa ako, mga five years old ako no’n,” sabi pa ni Kaela. “Kailangan mong tanungin sarili mo kung hanggang saan na ba ‘yong nararamdaman mo. Try mo i- confess sa kaniya baka sakaling makatulong iyon. At saka, ready na ba ang puso mo kasi for sure, makakaranas ka ng heartbreaks diyan,” nakangising wika ni Yeri. “Shocks, hindi pa ako ready. Pero gusto ko magmahal. Inggit na inggit ako sayo dati teh alam mo ba ‘yon.” “Gaga ka, hiniwalayan na nga ako ‘di ba. Anong kaiinggitan mo sa akin?” nakangiwing sambit pa ni Yeri sabay sipsip sa kaniyang kape. “Pero, teka sino ba ‘yan?” pagtatanong pa ni Yeri sa kaibigan niya at saka nakipagtitigan.   “Jiho!” Napalingon si Jiho nang bigla siyang tawagin ni Jozen. Nang makita niyang papalapit si Jozen sa kaniyang opisina, alam na niyang manggugulo ito sa kaniya kaya nagmadali siyang pumunta sa pinto upang isara ito. Subalit, tumakbo naman si Jozen at saka nakipag- unahan sa kaniya papunta sa pinto. Isinara ito ni Jiho ngunit bago pa man niya ito mai- lock, dumating na si Jozen at saka nakipagtulakan sa kaniya. Buong lakas na itinulak ni Jiho ang pinto ng kaniyang opisina, at ganoon din naman ang ginagawa ni Jozen. “Jiho, papasukin mo ako,” Jozen said while he was pushing the door heavily. “Hindi pwede, marami pa akong gagawin,” sagot naman ni Jiho habang nakikipagtulakan din. “Please, let me enter,” pagmamakaawa pa ni Jozen habang nagpapa- cute kay Jiho. “No, bawal ka rito. I have many things to accomplish this day,” tugon naman ni Jiho. Patuloy ang dalawa sa kanilang pagtutulakan, subalit hindi na kinayanan ni Jiho at nabuwag siya sa malakas na pagkakatulak ni Jozen sa kaniyang pinto. Matagumpay na nakapasok si Jozen sa opisina, subalit bumagsak naman sa sahig si Jiho. He immediately stood up from the floor and faced his colleague Jozen. “Manggugulo ka na naman dito,” Jiho uttered irritably. Naglakad siya patungo sa kaniyang swivel chair at saka nagpatuloy sa kaniyang ginagawa sa laptop. Umupo naman si Jozen sa upuang nakapwesto sa harap ng desk ni Jiho at saka nakipag- usap. “Jiho, tulungan mo ako,” pagmamakaawa ni Jozen nang may nakauuyam na mukha. Nag- iba naman ang reaksyon ni Jiho nang makita niya ang mukha ng kaniyang kaibigan. Napangiwi na lamang siya at saka nagpatuloy na lang sa pagharap sa laptop. “Jiho, ikaw na lang maghawak ng kasong ibinigay sa akin. Hindi ko kaya ‘yon kasi mayaman ‘yong pulitikong makakalaban ko kung sakali,” naluluhang sambit ni Jozen, subalit para kay Jiho, ang tagpong ito ay nakakatawa para sa kaniya. Hindi niya mapigilang matawa sa tuwing nakikita niya ang mukha ni Jozen na nalulukot dahil sa pag- iyak nito. Tinitigan naman siya ni Jozen at saka tinignan nang masama. “Hay nako, bahala ka diyan. Yare ka kay Mr. Rupert kapag nalaman niyang ipinapasa mo sa akin ‘yan,” pang- aasar pa ni Jiho. “Please, ikaw na lang. Hindi ko kayang kalabanin ‘yong pulitikong iyon. Marami ‘yong kapit at koneksyon. Baka kapag nahatulan siyang guilty, mabalitaan mo na lang ako na- salvage niya,” bigkas ni Jozen sabay ngawa. Muling natawa si Jiho sa kaniyang mukha dahil hindi ito bagay kay Jozen. “Sino ba kasi ‘yang pulitiko na makakalaban mo?” tanong ni Jiho. “Si Mayor Joseph Frias, ‘yong may- ari ng casino at malaking waterpark sa Cavite,” malungkot na tugon ni Jozen. Mas humagalpak pa sa katatawa si Jiho nang marinig ang pangalan ni Mayor Frias. Ibinalik ni Jozen ang seryoso niyang tingin kay Jiho dahil sa pang- iinis nito sa kaniya. “Ang pangit mo naman kabonding, imbes na tulungan mo ako tinawanan mo lang ako!” may diin na sabi ni Jozen. Patuloy naman sa ka iyang pagtawa si Jiho dahil hindi niya ito mapigilan. Dumagdag pa ang nakatatawang mukha ni Jozen habang siya ay umiiyak. Halos nananakit na ang tiyan ni Jiho dahil sa kakahalakhak niya. “Anong maitutulong ko sayo? Eh halos lahat ng prosecutor ayaw ‘yan kalabanin kasi sure win agad, at saka kung mahahatulan man siyang guilty, good luck na lang sa prosecutor.” “Totoo ba?” namumutlang tanong naman ni Jozen. Muling tumawa si Jiho nang mapansin ang takot at pamumutla ni Jozen. Napatakip naman sa kaniyang mukha si Jozen dahil sa labis na pangamba. Nagsimula siyang mangatog at tayuan ng mga balahibo dahil dito. “Kaya mo ‘yan Jozen. Mataas ang win rate mo sa mobile legends ‘di ba? Dapat taasan mo rin win rate mo sa korte para MVP ka!” pang- aasar pang muli nin Jiho sa kaibigan. Sinamaan na naman siya ng tingin ni Jozen at saka tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang palad. Bumuntong hininga ito at saka tumayo. “Bahala ka nga diyan! Akala mo hindi kaibigan eh,” wika ni Jozen sabay irap ng kaniyang mga mata. “Hoy Jozen sandali lang,” natatawang pigil ni Jiho sa paalis na si Jozen.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD