DISCLAIMER: The psychological condition mentioned below (lunahyperthymesia) is not based on any scientific references. Labis na nabigla si Kaela nang mabasa niya ang text message mula kay Hendrix. Hindi siya nakaimik, at nakatitig lamang sa kaniyang cellphone. Napansin ito ni Jiho kaya kinumusta niya si Kaela. "Kaela, anong nangyari? Anong sabi ni Hendrix?" tanong nito kay Kaela na tulala pa ring nakatingin sa kaniyang cellphone. Marahang lumingon si Kaels patungo sa kaniya nang gulat na gulat ang mukha. Hindi siya makapaniwala na doon din magtatrabaho si Hendrix. "Bakit? May problema ba? Anong sabi ni Hendrix?" pag- aalalang tanong pa nito. "Si Hendrix... sa Juri Company siya magtatrabaho...," sagot ni Kaela nang diretso ang tingin kay Jiho. Napaawang ang bibig ni Jiho nang marinig

