Pinagmasdan kong mabuti ang aking mukha sa harapan ng salamin. Tapos na akong ayusan at tapos na rin akong magbihis ng aking isusuot na damit. Bago pa ako magtungo sa silid na ito ay dumaan muna ako sa silid ng aking kapatid kung saan doon siya aayusan at bibihisan ng kanyang isusuot na traje. Garden wedding ang napili nina Ate Autumn at Winter na venue ng kasal nila. Bagay na ikinainggit ko dahil iyon din ang pangarap kong magiging venue oras na ako naman ang ikasal. Iyon nga lang ay hindi na iyon sa lalakeng laman ng aking pangarap at panaginip gabi-gabi dahil ngayong araw ay itatali na siya sa mga kamay ni Ate Autumn. “Congratulations on your wedding, Ate Autumn!” malakas kong pagbati sa kanya na halos mapunit na ang aking labi sa lapad ng aking pilit na pagkakangiti, niyakap ko siya m

